Ice sa 'jowanniversary' nila ni Liza: 'Yun ang pinakamasayang dekada ng buhay ko...finally, ikaw ay akin at ako ay iyo' | Bandera

Ice sa ‘jowanniversary’ nila ni Liza: ‘Yun ang pinakamasayang dekada ng buhay ko…finally, ikaw ay akin at ako ay iyo’

Ervin Santiago |March 07,2023
facebook
share this

Ice sa ‘jowanniversary’ nila ni Liza: ‘Yun ang pinakamasayang dekada ng buhay ko…finally, ikaw ay akin at ako ay iyo’

Ervin Santiago - March 07, 2023 - 06:48 AM

Ice sa 'jowanniversary' nila ni Liza: 'Yun ang pinakamasayang dekada ng buhay ko...finally, ikaw ay akin at ako ay iyo'

Liza Dino at Ice Seguerra

PINAKILIG muli ng celebrity couple na sina Ice Seguerra at Liza Diño ang madlang pipol sa pagpapalitan nila ng anniversary message sa pamamagitan ng social media.

Nag-celebrate ng kanilang 10th “jowanniversary” ang mag-asawa nitong nagdaang March 5 at talagang ibinandera nila sa buong universe ang mas lalo pang pagiging solid ng pagmamahal nila sa isa’t isa.

Nag-post si Ice ng mga litrato nila ni Liza na may mensaheng, “Sabi ko noon sa sarili ko, kapag naging tayo, ito na yun. Ikaw na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


“Naaalala ko nu’ng madaling araw ng March 4, kabadong sinabi ko sa iyo na gusto kong maging tayo. Kabado dahil hindi ko alam kung pareho ba tayo nang gusto.

“Kasi baka boy toy lang talaga ang tingin mo sa akin. Kaya sabi ko, hindi mo ako kailangan bigyan nang sagot ngayon, basta ang imporante malaman mo kung anong laman ng puso ko. Tapos ayun, hindi ka nga sumagot,” pahayag ng OPM icon.

Pagpapatuloy pa ng singer-songwriter na direktor na rin ngayon, “Yung buong March 4, we went on with our day. Tapos saktong alas dose nang madaling araw ng March 5, out of the blue, bigla kang nagsabi ng ‘yes!’

“Ako naman ‘tong si tanga, nagtataka kung bakit nag yeyes ka eh wala naman akong natandaang pinag-uusapan natin nu’ng moment na yun.

“Buti na lang pinaalala mo sa akin na yung yes mo ay ang sagot mo sa tinanong ko sa iyo nung madaling araw. Sinakto mo lang pala ng March 5 kasi sabi mo, malas ang #4. Ayaw mong maging yun ang anniv natin,” pagbabalik-tanaw ni Ice.

“That was 10 years ago, when we both decided to be together. At and sampung taon na yun ang pinakamasayang dekada ng buhay ko. Kasi, finally, ikaw ay akin at ako ay iyo.

“Mahal na mahal kita, Liza. Happy 10th jowanniversary!!!10th JOWANNIVERSARY,” ang katapusan ng mensahe ni Ice sa kanyang wifey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


Siyempre, hindi rin nagpatalbog si Liza at nag-post din ng kanyang pagbati kay Ice, kalakip ang ilang sweet photos nila together.

“It was our 10th jowanniversary yesterday (March 5) but because we all decided to dedicate our weekend to family bonding and really spend quality time with Amara, I thought it best to deemphasize our jowanniversary celebration.

“Little did I know that Discovery Shores Boracay cooked up something on our last night so we still get to celebrate our special day.

“During a special dinner treat,  ice surprised me with my favorite carnations bouquet with matching card and when we got back to our room, there was a greeting on our TV screen with a Happy jowanniversary banner, which I know for a fact was customized, and an anniversary cake to complete the surprise.

“Thank you, love, for reminding me in so many ways how lucky we are to have found each other. The last ten years have not been an easy ride for us, some even thought we wouldn’t last this long but here we are, stronger than how we were yesterday.

“Tuwing may mga couples na naghihiwalay, lagi kitang binibiro… ‘hala naghiwalay na si _____, baka tayo na susunod’ and you get mad at me for even making a joke about it.

“Akala mo takot ko yun but ngayon ko sasabihin sayo na actually… Kabaligtaran. I can joke about it kasi sobrang secured ako sa pagmahahalan natin. I never doubted our love, even if I say it out loud sometimes, sa totoo lang, iniiniis lang kita.

“I have NEVER been this content and at peace na kahit anong pagsubok ang dumaan sa buhay natin, malalagpasan natin dahil tayong tatlo, ikaw, ako, si amara, nandito para sa isat isa unconditionally. Hindi tayo mayaman, pero busog na busog tayo sa pagmamahalan.  I would choose this any day.

“I would choose US every day. Happy 10th Jowanniversary!

“P.S. Para lang prepared na kayo, 10th commitment anniversary din po namin sa May 14,” pagbabahagi pa ni Liza.

Pinusuan at ni-like naman ito ng mga netizens at ang ilan sa kanila ay talagang nangako pa na ipagdarasal na sana’y biyayaan na sila ng sarili nilang anak.

Maricel sa cast ng ‘Ang Sa Iyo Ay Akin: Sa totoong buhay, hindi kami nagbabangayan, nagmamahalan kami

Jelai Andres: Minsan parang kinokotongan na ako ni Lord e, ‘Hoy, tama na!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mommy Caring todo-iyak nang malaman ang pinagdaanang depresyon at anxiety ni Ice Seguerra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending