Baguhang aktres sinungaling, nagpakilalang mayaman pero...

Baguhang aktres sinungaling, nagpakilalang mayaman pero nganga

Reggee Bonoan - October 10, 2024 - 10:00 AM

Baguhang aktres sinungaling, nagpakilalang mayaman pero nganga

Guess, guess who!?

HINDI naman pala tunay na mayaman ang baguhang aktres tulad ng press release na isa siyang negosyante at matagal na nanirahan sa ibang bansa kung saan niya nakilala ang napangasawa.

Sa ‘di sinasadyang tsikahan ay may nakakilala sa baguhang aktres at sinabing hindi ito totoong mayaman kundi mahirap lang.

Ang sinasabing asawa niya ay hindi totoo dahil may pamilya ang lalaki, sa madaling salita, other woman siya. O baka naman hiwalay na ang guy kaya sila na ang magkasama.

“Hindi totoo, aysus talaga ba? Palabas niya mayaman siya? Hindi ‘no!” gigil na sabi ng aming kausap.

Baka Bet Mo: Hirit ni Juday pagkatapos gumanap ng mayaman sa serye: Pwedeng next time gusgusin o taong-grasa na lang ako?

Base sa mga larawan ng baguhang aktres ay ang porma niya at nakatira sa malaking bahay kaya alam ng lahat ay mayaman siya.

“Sa dyowa-dyowaan niya ‘yun!” sambit ng aming kausap.

Pero noong sinabi nga niyang mayaman siya at may negosyo ay may mga nagtanong na ring taga-media kung bakit niya pinasok ang showbiz at sagot niya ay, “Try lang.”

Siyempre baguhan kaya hindi pa siya marunong umarte noon pero dahil maganda at sexy kaya pumasa na rin aa director.

Bilang pa lang sa mga daliri sa kamay ang projects ng baguhang aktres dahil nga siguro hindi pa siya marunong umarte kaya walang offer.

Anyway, kilala ang dyowa ng baguhang aktres ng mga politiko dahil kanegosyo nila ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay walang project ang baguhang aktres pero sabi ng talent agency na nagma-manage ng karera niya ay, “Abangan mo, magkakaroon.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending