Guwapo at sikat na aktor may itinatagong 'baho', bistado ng mga kasamahan Bandera

Guwapo at sikat na aktor may itinatagong ‘baho’, bistado ng mga kasamahan

Reggee Bonoan |January 13,2023
share this

Guwapo at sikat na aktor may itinatagong ‘baho’, bistado ng mga kasamahan

Reggee Bonoan - January 13, 2023 - 09:57 PM

Guwapo at sikat na aktor may itinatagong 'baho', bistado ng mga kasamahan
NOBODY’S perfect talaga dahil ang iniidolong guwapo at sikat na aktor ay mabaho pala ang paa na nabuking pa ng co-actors niya nu’ng magkakasama sila sa tent.

Sa isang out of town shoot ng isang TV series ay iisa ang malaking tent para sa mga lalaking artista bilang pahingahan na rin nila.

Kasama ng guwapong at sikat na aktor ang mga sikat at beteranong aktor din na nagulat habang nagpapahinga na biglang may umalingasaw sa tent nila na parang patay na daga.

Nagyukuan daw ang iba par silipin sa ilalim ng kani-kanilang mga taping chair na puwedeng higaan din baka may naligaw kung anuman pero biglang sumenyas ang beteranong aktor at sabay nguso sa guwapo at sikat na aktor dahil naghubad pala ito ng medyas at sapatos.

At saka isa-isang naglabasan ang mga beteranong aktor samantalang ang ibang aktor na halos same age ng guwapo at sikat na aktor ay nagtalukbong dahil nga magpa-power nap sila.

Tila hindi alam ng guwapo at sikat na aktor na mabaho ang paa niya dahil dedma naman siya in fact itinabi pa niya sa malapit sa aircon ang medyas at sapatos.

Tinanong namin an gaming source na naki-amoy din kung baka amoy pawis lang since kulob kaya siguro bumaho.

“Hindi, eh, amoy patay na daga talaga. ‘Yung tipong super kulob talaga na biglang singaw na parang nanggagaling sa kanal,” esplika ng aming kausap.

Grabe namang paglalarawan ‘yan, hindi namin ma-imagine na dugyot si guwapo at sikat na aktor dahil malinis naman siyang manamit pati kutis niya ay makinis. Madalas din naming nakikita ang post niyang nagpapawis siya para maging fit. Mahilig din siya sa outdoor sports with his friends.

Anyway, nakarating pala sa girlfriend ni guwapo at sikat na aktor ang isyu at hindi raw siya nagulat, kaagad niyang tinawagan ang dyowa at binilinan kung ano ang dapat gawin na doon lang nalaman ng huli na talk of the outside tent na siya.

Kinausap daw ng girlfriend ni guwapo at sikat na aktor ang personal assistant nito na mag-request sa utility ng mainit na tubig at ilagay sa balde at lagyan ng asin saka pinababad ang paa ng dyowa for 30 minutes.

In fairness humingi naman daw ng dispensa ang guwapo at sikat na aktor sa mga kasama at ni-request sa assistant na mag-spray ng Lysol sa loob ng tent habang wala sila dahil nagti-take na.

Isa kasi sa dahilan kaya bumabaho ang paa ay ang hindi pagsusuot ng medyas, hindi tuyong mabuti ang paa bago mag-sapatos at iisa ang sapatos na gamit lagi dapat may ka-alternate para hindi laging kulob. Saka pagkahubad ng shoes ay bugahan ito ng Lysol o kaya ng foot spray para mawala ang amoy pawis.

Related Chika:
Kilalang aktor ‘mabaho’ raw at maraming demand, production staff naimbyerna

Sikat na male star gwapo at maporma pero napakabaho kapag pinawisan: Buti hindi siya iniiwan ng dyowa niya!?

Sikat na leading man pakembot-kembot na rumarampa sa mall habang may kasamang lalaki

Mag-asawang kilala sa showbiz madalas nang mag-away, hindi na nagsasama sa isang kuwarto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending