Rhian Ramos hindi kumbinsido sa resulta ng Miss Universe 2023; Top 5 art card na kasama si Michelle Dee viral na | Bandera

Rhian Ramos hindi kumbinsido sa resulta ng Miss Universe 2023; Top 5 art card na kasama si Michelle Dee viral na

Ervin Santiago |November 19,2023
facebook
share this

Rhian Ramos hindi kumbinsido sa resulta ng Miss Universe 2023; Top 5 art card na kasama si Michelle Dee viral na

Ervin Santiago - November 19, 2023 - 05:29 PM

Rhian Ramos hindi kumbinsido sa resulta ng Miss Universe 2023; Top 5 art card na kasama si Michelle Dee viral na

Michelle Dee at Rhian Ramos

ISA ang Kapuso actress na si Rhian Ramos sa mga Pinoy na tila kumukuwestiyon sa hindi pagpasok ni Michelle Dee sa Top 5 finalists sa Miss Universe 2023 pageant.

Tulad ng halos lahat ng pageant fans sa Pilipinas, parang hindi rin kumbinsido si Rhian sa naging resulta ng international pageant.

Hanggang sa Top 10 lang umabot ang journey ni Michelle sa ika-72 edisyon ng Miss Universe na ginanap sa El Salvador kaninang umaga. Ang kinoronahang bagong reyna ay ang bet ng Nicaragua na si Sheynnis Palacios.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa kanyang X account (dating Twitter), nag-post si Rhian na BFF ni Michelle, ng  salitang “Something” kasunod ang tatlong fish emoji.

Ang paniwala ng mga netizens, feeling ni Rhian ay may “something fishy” sa naging resulta sa katatapos lamang na Miss Universe 2023. Marami namang um-agree sa Kapuso star.

Baka Bet Mo: Rhian Ramos, Sam Verzosa totoong naghiwalay pero nagkabalikan din: ‘Mas naging strong pa yung relationship namin’

Ito’y sa gitna na rin ng pagkalat sa social media ng isang screenshot na umano’y galing sa official Instagram account ng Miss Universe organization kung saan makikita ang mga kandidatang nakapasok sa Top 5.

Dito makikita ang pangalan at litrato ni Michelle sa limang contestants sa halip na si Anntonia Porsild ng Thailand kaya naman nagduda ang mga Pinoy sa naging resulta ng laban.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon mula sa mga netizens.

“Smells like something’s cooked.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Parang nagpapalitan sa last minute. Ginagago tayo ng Miss Universe Org.”

Baka Bet Mo: Sam Verzosa hindi iniwan ni Rhian habang nagluluksa sa pagpanaw ng ama; ‘Dear SV’ bagong public service program na may puso

“Kaya pala nag step down si madam Paula! Alams na! Haluu univeeerse!”

“Sobrang nakaka sad.. ang sarap I hug ni @michellemdee akap mahigpit wab @whianwamos.”

“Parang yung classmate mong check your own papers tapos iibahin yung sagot para pasado.”

“Hindi naman sa bias ha, pero mas lamang talaga si Philippines kay Thailand sa whole performance. Kita naman natin don palang sa peleminary angat talaga si MMD. Parang Plano naata papasukin si Thailand sa top 5.”

Kasabay nito, naging trending topic din sa X ang salitang “Robbed” matapos matalo si Michelle sa naturang pageant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang explanation ang Miss Universe organization tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending