Maine, Arjo nagpakaligaya sa ‘paradise’, hirit ng mga netizens: ‘2nd honeymoon yarn!?’
PINUSUAN at ni-like ng sandamakmak na netizens ang beach photos ng celebrity couple na sina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Nag-post ang TV host-actress na mga sweet pictures nila ng aktor at kongresista na kuha sa pagbabakasyon nila sa isang napakagandang isla.
Ang maikling caption na inilagay ng “E.A.T.” host sa kanyang IG post ay, “Para-para-paradise.”
Walang inilagay si Maine kung saan sila nagbabakasyon ni Arjo pero base sa mga nabasa naming comments at ilang ulat, kuha ang mga ito sa Amanpulo na matatagpuan sa Palamalican Island, Cuyo Palawan.
Napakaraming fans ang nag-react sa nasabing Instagram photos ng mag-asawa kabilang na ang mga tanong kung ito na ba ang kanilang second honeymoon.
View this post on Instagram
Sa Facebook page naman ng BANDERA, iba’t iba rin ang reaksyon ng ating dear readers. Narito ang ilan sa kanilang mga comments.
“Stroke na Naman nga haters. Hahahahaha Love you Armaine!”
“Ka guapo ng congresman nyo super bait pa clng buong pamilya Mendoza at atayde, pkaganda ng kaplaran nlng dalawa.”
Baka Bet Mo: Hidilyn Diaz dedma muna sa honeymoon nila ni Julius Naranjo, uunahin ang training para sa 2024 Paris Olympics
“Bitter ng iba. Hahaha. Atleast sobrang happy ni Maine sa piling ni arjo.”
“Wala na bang gagawin Kundi puro honeymoon?”
“Wish Alden will find someone better than Maine. He is a kind considerate at gwapo.”
“Parang pinapalabas nyo na kasalanan ni Maine bakit di nagkatuluyan Ang aldub? Kasalanan iyan ni Alden bakit di Niya niligawan si Maine.”
“Bihira nalang segoro ang better than Maine kc package na si Maine nasa kanya na ang hanap ng 1ng lalaki mabait maganda mapera may mga business at may trabaho mayaman na sya.”
“Konti pa g taba maine para lalo kang gumanda. Nloomi g ka pag medyo mataba bagay sa yo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.