Payo ni KC sa mga babaeng wala pa ring dyowa: 'It’s a good time to still enjoy life...you should have more money' | Bandera

Payo ni KC sa mga babaeng wala pa ring dyowa: ‘It’s a good time to still enjoy life…you should have more money’

Ervin Santiago |November 14,2023
facebook
share this

Payo ni KC sa mga babaeng wala pa ring dyowa: ‘It’s a good time to still enjoy life…you should have more money’

Ervin Santiago - November 14, 2023 - 07:15 AM

Payo ni KC sa mga babaeng wala pa ring dyowa: 'It’s a good time to still enjoy life...you should have more money'

KC Concepcion at Gabby Concepcion

NAGBIGAY ng ilang tips at payo ang actress-entrepreneur na si KC Concepcion para sa mga kababaihang hanggang ngayon ay wala pa ring dyowa.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay nag-share ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ng ilang advice sa lahat ng mga babaeng single.

May pa-“Ask Me Anything” sa kanyang Instagram account ang dalaga kung saan sinubukan niyang sagutin ang mga personal at nakakaintrigang tanong ng mga netizen.

May isang IG user ang nagtanong sa kanya kung ano ang maipapayo niya sa mga girls na nasa legal at tamang edad na pero wala pa ring dyowa.

Ayon kay KC, kailangang samantalahin na ng mga kababaihan, lalo na sa mga tulad niyang nasa 30s na ang edad, ang mga opportunities na dumarating sa buhay nila habang single pa.

Baka Bet Mo: Kris Bernal nagpasalamat sa pagmamahal ng asawa: Kahit madalas matigas ang ulo ko at pasaway

“I love being in my 30s. I think 30s are a lot more empowering and a lot more fun than your 20s because you know yourself better, or you should know yourself better,” ang pahayag ni KC.

“Yung strengths ninyo, weaknesses ninyo, yung maging totoo kayo kung hanggang saan lang kayo,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Paalala pa niya, “Sana by now, may work na talaga kayo. Hindi man career path, like nagwo-work kayo.

“So you should have more money than you did in your 20s. You should be more conscious of taking care of yourself. It’s like being in your 20s, but better,” dagdag pa niyang chika.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna sa netizen na humingi ng payo ukol sa mga manloloko: ‘Di na uubra and advice sa ‘yo!

Sabi pa ng aktres at TV host, “good time” pa rin daw na mag-enjoy sa buhay kahit nasa edad 30 na, tulad nga pagta-travel sa mga lugar na hindi pa nararating o nabibisita.

“You’re still young, and especially now it’s a lot easier to travel, mas marami na tayong alam because of social media so I think in your 30s, it’s a good time to still enjoy life. What our lives will look like in the next five years depends on what we do now,” pagbabahagi ni KC.

“What our lives look like in the next five years, really depends on what we do now,” sabi pa niya.

Sa ngayon at super happy ang personal na buhay ng dalaga dahil bukod sa pagkakaroon ng magandang career, in a relationship din siya sa Filipino-Swiss na si Steve Michael “Mike” Wüthrich.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa reunion project ng kanyang parents na sina Sharon at Gabby, ang “Dear Heart The Concert” ay kasamang nanood ni KC si Mike na palaging ipinakikita sa wide screen ng SM MOA Arena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending