Jona wala pa ring dyowa; busy sa pagliligtas, pag-aalaga ng mga aso't pusa | Bandera

Jona wala pa ring dyowa; busy sa pagliligtas, pag-aalaga ng mga aso’t pusa

Ervin Santiago - February 10, 2022 - 06:31 AM

Jona

SINGLE na single pa rin hanggang ngayon ang Kapamilya singer at isa sa mga certified Birit Queens na si Jona.

Mukhang hindi pa rin dumarating ang tamang panahon para magkaroon ng lovelife si Jona, pero parang hindi naman apektado ang dalaga kahit wala siyang boyfriend.

In fairness, “not in a hurry” naman daw siya na magkadyowa at marami rin siyang ginagawa ngayon kabilang na ang proyekto niyang animal shelter para sa rescued animals.

“For now po talaga, sobrang busy po muna sa pagtatapos po nang ginagawa namin na animal shelter. Pero ‘yun nga po siyempre pinagpi-pray ko rin po sana in the future ay may masasabi na someone to love,” pahayag ni Jona sa programang “Sakto.”

Patuloy ng dalaga, “Hindi naman po ako in a rush.” Dagdag ni Jona, isa raw sa qualification na hinahanap niya sa magiging boyfriend ay tanggap nito ang pagiging animal welfare advocate.

“Totoo po ‘yan. Isa sa mga requirement dapat totoong animal lover ka. Hindi lang ‘yung cute, cute lang. Naku-cute-an ka lang kapag puppy. At pasensiyoso po. Dapat napakapasensiyoso,” chika ni Jona.

View this post on Instagram

A post shared by JONA (@jona)


Isa ang Kapamilya biritera sa mga local celebrities na nakikipaglaban para sa kaligtasan ng mga hayop. Nagsimula raw siyang magligtas ng mga aso at pusa noong 2009.

Kuwento pa ni Jona, dahil sa dumaraming hayop na nangangailangan ng pagkalinga at tahanan ay nagpapatayo na siya ngayon ng animal shelter sa isang lugar sa Rizal.

Pagbabahagi pa ng dalaga, umabot na raw sa 30 aso at 40 pusa ang kanilang nailigtas at ang ilan sa mga ito ay maayos nang naaalagaan sa Rizal.

Bukod sa kanyang trabaho, naging busy nga ang singer sa pag-aasikaso sa ipinatatayong animal shelter sa panahon ng pandemya.

https://bandera.inquirer.net/291831/korina-libu-libong-hayop-na-ang-na-rescue-i-didnt-like-dogs-until-i-met-kolette-10-years-ago

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/283921/yassi-nag-birthday-kasama-ang-mga-asot-pusa-my-heart-is-so-so-full
https://bandera.inquirer.net/294765/maxene-may-pa-trivia-tungkol-kina-francis-m-at-st-francis-of-assisi-he-always-had-a-sincere-love-for-animals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending