BGYO hataw kung hataw sa sariling version ng ‘A Better Place’ ng NSYNC
ILANG araw bago ipalabas ang bagong pelikula ng blockbuster animated musical na “Trolls,” nakisayaw at nakihataw na ang sikat na Pinoy pop boy band na BGYO!
Ginawan nila ng sariling version ang chorus ng “A Better Place,” ang bagong kanta ng legendary American pop boy band na NSYNC para sa pelikulang “Trolls Band Together.”
At gaya ng ilang fans, sinabi ng grupo na excited na rin silang mapanood sa mga lokal na sinehan ang kaabang-abang na animated film sa darating na November 15.
“I enjoyed listening to the music in the past Trolls movie so we are very excited to be a part of this one!” sey ni Nate Porcalla, ang pinakabatang miyembro ng BGYO, sa inilabas na pahayag ng Universal Pictures PH.
Ani pa niya, “This might be the best movie yet so I hope everybody can watch it. Bring the whole family!”
Baka Bet Mo: BGYO nilinaw na walang kompetisyon sa pagitan ng HORI7ON: ‘Mag-kapamilya po kami’
Magugunita noong 2021 nang magsimula ang grupong BGYO at inilabas ang kantang “The Light” na umani ng mahigit 100,000 streams sa Spotify sa loob lamang ng dalawang linggo.
Ang music video rin ng nasabing kanta ang itinanghal na “fastest P-pop music video to reach 1 million views.”
Umarangkada rin ang kanilang ikalawang single na “The Baddest” matapos makuha ang #1 ranking sa global charts ng “Next Big Sound” at “Pandora Predictions” ng Billboard.
Samantala, ang “A Better Place” ay ang kauna-unahang kanta ng NSYNC makalipas ang dalawang dekada.
Isa ito sa 14 tracks na isinulat ng multi-award-winning artist at music producer na si Justin Timberlake para sa animated movie.
Bukod sa American iconic band, ilan pa sa mga original music na ginawa ni Justin ay may collaboration ng ilang pop artists kabilang na sina Kid Cudi, Camila Cabello, Troye Sivan, Anna Kendrick, at marami pang iba.
Ang kwento ng “Trolls Band Together” ay iikot sa isang family reunion at bagong adventure na tatahakin ng mga bidang karakter na sina “Poppy” (Anna Kendrick) at “Branch” (Justin Timberlake).
Dating parte ng boyband na “BroZone” si Branch kasama ang apat niyang kapatid na sina Floyd, John Dory, Spruce at Clay.
Muli silang nagkasama matapos mabalitaang hinostage ang isa nilang kapatid ng mga tinatawag na pop-star villains na sina Velvet at Veneer.
Related Chika:
Julie Anne may hugot sa pagmu-move on; Rocco, Max lalafang ng pritong salagubang?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.