Julie Anne may hugot sa pagmu-move on; Rocco, Max lalafang ng pritong salagubang? | Bandera

Julie Anne may hugot sa pagmu-move on; Rocco, Max lalafang ng pritong salagubang?

Ervin Santiago |November 07,2021
facebook
share this

Julie Anne may hugot sa pagmu-move on; Rocco, Max lalafang ng pritong salagubang?

Ervin Santiago - November 07, 2021 - 08:22 AM

Max Collins, Rocco Nacino at Julie Anne Sa Jose

VERY active ang career at talaga namang hataw kung hataw sa pagtatrabaho ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose. 

Bukod sa regular show niyang “All-Out Sundays” at “The Clash”, ang musical narrative series sa isang streaming platform, at iba pang collaboration, nariyan din ang second leg ng kanyang “Limitless: A Musical Trilogy” na mapapanood online ngayong Nov. 20.

Matatandaang umani ng positive feedbacks at reviews ang first part ng Limitless na “Breathe.”
 Bukod kasi sa undeniable talent ni Julie sa pagkanta at pagtugtog ng musical instrument, talaga namang para kang nakahinga nang maluwag sa ganda ng mga tanawin na binisita ni Julie sa Mindanao. 

Kaya nga winner talaga ang lahat ng mga nakapanood dahil para na rin silang bumiyahe kasama ang Kapuso singer-actress at TV host.

Para sa second leg ng Limitless, may temang “Heal” naman ang musical journey ni Julie. Dadalhin naman niya ang concert viewers sa iba’t ibang lugar sa Visayas at sasamahan niya tayong mag-“heal.” 

Say nga ng dalaga sa kanyang post sa social media, “Taking a breath is always the first step. We pause. But after that, comes the harder part.

“We confront. We acknowledge. This is how we heal. Join me as our journey continues, this November 20! See you in Part II: HEAL,” pahayag ni Julie Anne.

Sa mga wala pang tickets, buy na sa gmanetwork.com/synergy.

View this post on Instagram

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


* * *

Magpakatotoo kaya ang mga Kapuso stars na sina Max Collins at Rocco Nacino sa pagsagot sa maiintrigang tanong at sa pagkain ng mga exotic food?

Yan ang dapat n’yong abangan ngayong Linggo ng gabi sa eksklusibong panayam ng favorite n’yong late night habit, ang “The Boobay and Tekla Show.”

Sasabak ang “To Have And To Hold” stars sa isang exotic treat kung saan kailangan nilang sagutin ang maiinit at maiintrigang tanong sa segment na “Sasagutin o Kakainin.”

Mailalahad kaya ni Max ang local celebrity na nanligaw ngunit nabigong makuha ang kanyang puso? Matutukoy naman kaya ni Rocco kung sino ang best kisser sa actresses na naka-kissing scene nito?

Kung ayaw nilang sumagot, kailangan nilang lafangin ang mga kakaibang pagkain sa “TBATS” menu tulad ng balut shake at isang platong piniritong salagubang.

Pero ang twist, kung pipiliin naman nina Max at Rocco na sagutin ang mga tanong, sina “TBATS” hosts Boobay, Tekla, o sinumang miyembro ng Mema Squad ang kakain ng exotic food items.

Ibabahagi naman ni Tekla sa show ang naganap na insidente kamakailan kung saan napagkamalan siyang shoplifter sa isang convenience store sa bagong segment na “Tekla Muna.” Ano kaya ang aral na natutunan ng komedyante rito?

At bago matapos ang Sunday night, makakasama rin nina Max at Rocco ang comedy duo at Mema Squad sa paboritong laro na “Don’t English Me.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan lahat yan sa fresh episode ng “The Boobay and Tekla Show” tonight, 10:30 p.m. sa GMA 7 pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Julie Anne: For the first time, makikita n’yo kung sino talaga ako!

Julie Anne: For the first time, makikita n’yo kung sino talaga ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending