MUO owner Anne Jakrajutatip nabaon sa utang

MUO owner Anne Jakrajutatip nabaon sa utang, na-‘bankrupt’ nga ba ang kumpanya?

Reggee Bonoan - November 10, 2023 - 08:19 AM

MUO owner Anne Jakrajutatip nabaon sa utang, na-'bankrupt' nga ba ang kumpanyang JKN Global Group?

PHOTO: Instagram/@annejkn.official

BUWAN pa ng Agosto ngayong taon nabalitang baon sa utang ang Miss Universe Organization owner at Thai billionaire na si Ms. Anne Jakrajutatip dahil bumagsak ang shares ng kumpanyang JKN Global Group Public Company Limited.

Nabanggit ito dati ng bilyonarya na malaking halaga ang hindi nabayaran ng kumpanya niya na aabot sa 609 million baht worth of debentures at iba pang branches nito na umabot pa sa 3.36 billion baht.

Bagama’t may mga nabayaran naman si Ms. Anne base sa Stock Exchange ng Thailand ay hindi pa rin ito sapat at malaki pa rin ang kakulangan.

Kaagad na pumasok sa isipan ng netizens nang pumutok ang balita nu’ng Agosto ay ang nalalapit na Miss Universe 2023 at kasalukuyang nasa El Salvador na ang mga kandidata at pinaghahandaan na ang nalalapit na coronation night sa November 18 at sa November 19 naman ito mapapanood sa Pilipinas ng 9 AM, ABS-CBN platforms, A2Z Channel 11 at iWantTFC.

Baka Bet Mo: Shamcey Supsup-Lee umaasa sa bonggang Miss Universe pageant

At dahil ilang buwang hindi na napag-usapan ang pagkalugi ng kumpanya ni Ms. Anne ay inakala ng lahat na okay na pero marami ang nagulat nang mag-file ng bankruptcy ang JKN Global Group Public Company Limited kahapon, Huwebes nang hindi nito na-meet ang deadline para bayaran ang $12 million.

Kaya nabahala ang lahat ng nag-aabang sa nalalapit na Miss Universe coronation night kung tuloy pa ba ito o hindi na sa Nobyembre 18.

Kinalma naman ng Thai billionaire ang lahat na anuman ang nangyari sa kumpanya niya ay prayoridad niya ang nalalapit na Miss Universe coronation night base na rin ito sa ni-repost niya, ang official statement ng pagpa-file ng bankruptcy pinost niya sa kanyang Instagram account kagabi, 8PM.

Ang caption ni Ms. Anne, “No matter what…. I always put The Miss Universe Organization as my first priority in life. No matter how joyful or painful it’s gonna be. Our universe must go on, must be great and must stay on top as the legendary Beauty Olympics in the World! I will sacrifice and do everything for the great success of OUR UNIVERSE! (emoji praying hands). Thank you for your love and kind support to JKN! #MissUniverse #MissUniverse2023 #ForceForGood #transformationalleadership #JKNGlobalGroup

“The Miss Universe Organization, one of our JKN’s diverse business ventures, maintains a pristine record and remains steadfast in its commitment to seamless operations. Anticipate three spectacular broadcasts next week as we continue our dedication to excellence. See you next week!!! Love you, everyone, with all my heart and soul!”

At bandang 3AM kaninang madaling araw ay nag-post ulit si Ms. Anne ng art card na ang nakalagay ay, “JKN Global Group entered Thailand’s business REHABILITATION program, a distinct alternative to filing for bankruptcy.  Theses words have the different meanings. Hence, please understand each definition correctly (emoji praying hands).”

MUO owner Anne Jakrajutatip nabaon sa utang, na-'bankrupt' nga ba ang kumpanyang JKN Global Group?

PHOTO: Instagram Story/@annejkn.official

Ang karagdagang caption pa ay, “Bankruptcy simply means your business is gone, but BUSINESS REHABILITATION program means JKN aims to preserve the continuity and integrity of the businesses, allowing JKN to generate improved returns for creditors and investors through restructuring efforts. JKN is fully dedicated to this process and remains committed to emerging as a stronger company, with all debts repaid and a financially sound future ahead. Thank you once again for your love and support.”

Related Chika:

Sapatos na ‘sexy and comfy’ na gawang-Pinas irarampa ng mga Miss U candidate

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang direktor mahilig magpaganda ng sasakyan wala namang pambayad, utang sa shop owner inabot ng ilang buwan bago na-settle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending