Vilma napakasakit ng iyak nang akusahang 'scammer' si Luis: 'I didn’t expect na kaya nilang gawin iyon sa anak ko' | Bandera

Vilma napakasakit ng iyak nang akusahang ‘scammer’ si Luis: ‘I didn’t expect na kaya nilang gawin iyon sa anak ko’

Reggee Bonoan |November 08,2023
facebook
share this

Vilma napakasakit ng iyak nang akusahang ‘scammer’ si Luis: ‘I didn’t expect na kaya nilang gawin iyon sa anak ko’

Reggee Bonoan - November 08, 2023 - 10:29 AM

Vilma napakasakit ng iyak nang akusahang 'scammer' si Luis: 'I didn’t expect na kaya nilang gawin iyon sa anak ko'

Luis Manzano at Vilma Santos

“MASYADONG masakit ‘yung naramdaman ko noon kasi unang-una kilala ko ‘yung anak ko and alam ko kung saan nanggaling dahil ‘yung mga taong bumiktima sa kanya itinuring ko ring mga anak.”

Ito ang sagot ng Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos-Recto sa tanong ni Nanay Cristy Fermin para sa “Showbiz Now Na” vlog na in-upload sa YouTube kahapon kung naghilom na ang puso niya sa ginawa sa anak niyang si Luis “Lucky” Manzano.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na tinawag na “scammer” si Luis dahil siya ang nakapronta sa mga taong nag-invest para sa Flex Fuel Petroleum Corporation.

Bukod kasi sa pagiging investor ng TV host ay ginawa rin siyang endorser ng nasabing fuel company na BFF niya ang may-ari kaya naman maraming netizens ang naengganyong mag-invest dahil naniniwala silang legit ito dahil kay Luis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa pagpapatuloy ni Ate Vi, “Imagine magkaklase pa sila elementary, kilala n’yo kung sino kayo. Nagdi-dinner (silang mga kaibigan) sa amin every week at talagang itinuring kong mga anak. But I didn’t expect na kaya nilang gawin iyon sa anak ko.”

“Obvious na ang nangyari kay Lucky kasi ginamit ang pangalan (niya). Kasi ang tagal na rin ng anak ko (sa fuel company) at nakita na niya (kaibigan) na may konting problema nauna na (umalis),” aniya pa.

Sa mga panahong tinitira si Luis at tinatawag na scammer, “I was feeling so hurt pero hindi naman ako puwedeng magsalita nang magsalita at iyon ang mas masakit.”

Baka Bet Mo: Vilma nami-miss na ang politika, pinatatakbo uling kongresista sa 2025: ’24 years din ako tumagal sa public service’

Kay King of Talk Boy Abunda raw humagulgol si Ms. Vilma nang magkaroon sila ng one-on-one interview sa programang “Fast Talk” sa GMA 7.

Dugtong ni ‘Nay Cristy na ito ang pinakamasakit na hagulgol niya bilang ina, “Kasi anak, eh. Ako na lang ‘wag ang anak ko.”

Wala pang dalawang buwan ay acquitted na si Luis sa mga kasong isinampa sa kanya ng mga investor dahil wala silang nakitang kasama ang TV host sa scam.

“God is so Good, acquitted siya (Luis) (dahil) nakita ‘yung mga papeles, wala naman, (ang pangalan ni Luis, so, we’re still blessed and my son is still blessed,” kuwento ng bida sa pelikulang “When I Met You in Tokyo” na entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Nang pumutok ang balita ay hindi nagsabi si Luis sa mommy niya at nabasa na lang daw ito sa news kaya tinanong ni Ate Vi ang anak.

“Sabi ko ‘what’s this anak?’ Kasi Ate Cristy hindi ako makapaniwala na ‘yung bumiktima sa kanya ay parang mga anak ko na rin. And ikinuwento na niya (Luis) what really happened, hindi rin niya ini-expect na gagawin iyon sa kanya at mangyayari iyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Isa lang ang nakapagpalubag sa akin, I’ll be honest ‘Nay ‘yung mga nagreklamo may mga record din pala. Kung pagbabatayan mo ‘yung credibility may kaso rin pala (sila), just being truthful pero hanggang doon na lang,” pahayag ng aktres.

Samantala, napunta ang usapan sa bunsong anak niyang si Ryan Christian Santos Recto na sa tingin niya ay ito ang magmamana sa magulang niyang parehong public servant.

“Palagay ko baka siya ang magmana kasi si Lucky is more na mapagpatawa, ‘yung wit niya is ibang klase and (mahilig) sa negosyo.

Baka Bet Mo: Vilma niregaluhan agad ng bonggang regalo ang apo, pinayuhan sina Luis at Jessy: May times na mag-aaway kayo, sa totoo lang, pero…

“Si Ryan is more of warm, he’s a very warm person. Kaya niyang makipag-usap sa presidente at kaya niyang makipag-usap sa karaniwang manggagawa and one thing I notice with him, he’s also like me, touch person kahit hindi niya kilala hahawakan ka niya, ‘kumusta ka? I’m Ryan.’

“So, just in case maisip ng anak kong pumasok sa politika, I think plus factor niya ‘yun mayroon siyang ganu’n magic,” paglalarawan ni Ate Vi kay Ryan.

Sinang-ayunan ito ni ‘Nay Cristy na ang pagiging “touch” person daw ng aktres ay nakagagawa ng milagro tulad ng “maraming salamat” na napakaraming nagagawa para sa tao.

Kaya ang sunod na tanong ay “paano magalit ang isang Vilma Santos-Recto?” “Naku, you will not like me when I’m mad. Ha-hahaha!” tumawang sagot ng aktres.

Sabi ulit, “Scorpio (zodiac sign) ‘to, baka ang nakikita n’yo lang ang good side ko.  Lahat ng mga nakatrabaho ko kilala ako, maski nu’ng governor (ng Lipa City) ako pag nagalit (sabay muwestrang pinukpok ang lamesa) ako sa office like may mga nabalitaan akong hindi maganda alam nila (staff) ‘yan pinupukpok ko ang lamesa.”

Dagdag kuwento naman ni ‘Nay Cristy na mararamdaman daw na talagang galit si Ate Vi kapag, “Walo kayong magkakatabi at kapag galit ka sa pampito lulundagan mo ang isa kasi ayaw mong magsalita ng masakit ayaw mong makapambastos, ayaw mong maka-offend hindi mo na lang siya papansinin.”

Panay ang “yes” ng aktres sa mga binanggit ng “SNN” host at sang-ayon din sa sinabing hawak nito ang libong “dedmatology.”

“Kasi ayaw kong magkaroon tayo ng confrontation dahil you will not like me kasi kapag napikon na ako ate Cristy, lalabas lahat ‘yan straight at hindi ka makakapagsalita sa akin kasi nakaipon (lahat ng nagawang kasalanan ng isang tao).

“Pag ang nakaipon na ‘yun pag (pumutok) hindi ka makakapag-salita that’s why sinabi ko na you will not like me kaya para makaiwas ako, ide-dedma na lang kita,” diing paliwanag ng mommy nina Luis at Ryan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahaba pa ang panayam ni ‘Nay Cristy kay Ate Vi kaya abangan ang part 2.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending