Neri Miranda hugot na hugot: ‘Kahit maraming tao na gusto kang pabagsakin, wag na wag tayong susuko’

Neri Miranda hugot na hugot: 'Kahit maraming tao na gusto kang bumagsak at pabagsakin, wag na wag tayong susuko'

Chito Miranda at Neri Miranda

SIGURADONG maraming mai-inspire, matututunan at mabubuhayan muli ng loob, lalo na ang mga magulang, sa libro ng actress-entrepreneur na si Neri Naig-Miranda.

Sa kanyang social media account, nagbigay ng patikim ang wifey ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa mga nilalaman ng kanyang book na may titulong Wais Na Misis.

Nag-post sa Instagram ng kanyang litrato ang hindi na gaanong aktibong aktres kalakip ang ilang life lessons na natutunan niya sa ilang taong pagsasama nila ni Chito.

“I talked about my failures sa libro. Marami talaga. Yung mga pagsubok na mapapatanong ka talaga kay Lord, why me?


“Yung mga pagsubok na akala mo wala nang katapusan… yung minsan gusto mo nang maglaho na lang sa mundo para matapos na.

“Pero kahit madalas napanghihinaan ako ng loob kapag feeling ko binagsakan ako lahat ng problema, pinaniniwalaan ko pa rin na may magandang lesson na mangyayare sa akin pagkatapos nito,” ang pahayag ni Neri sa simula ng kanyang caption.

Baka Bet Mo: Buboy Villar hinding-hindi susuko sa laban: ‘OK lang po akong umiyak at mag-break down, pero kailangan kong bumangon’

Napakalaking factor daw talaga sa pagkamit ng tagumpay ay ang faith sa Panginoong Diyos, “Tiwala lang kay Lord na everything will be ok after all of the chaos.

“May planong mas maganda si Lord para sa atin. Tinuturuan nya lang tayo to become a better version of ourselves.

“Instead of seeing failure as a dead end, tinatry kong tingnan to as feedback. Kung ano ang hindi nagwork, baka it is offering clues, or nagiging guide about what might work better next time,” pagbabahagi pa ng lady boss.

Patuloy pa niya, “Palaging sinasabi ng asawa ko sa akin, kailan ba tayo binigo ni Lord? Lahat ng pinagdaanan namin, oo nga, hindi kami pinabayaan ni Lord.


“Hindi lang madali lahat pero in God’s perfect time, magiging maayos lahat. Basta maging mabait lang sa mga tao at si Lord na ang magsusukli nito.

“By embracing and understanding our failure, may magandang lesson tayong matututunan, we should know how to adapt, baka nga makahanap pa tayo ng ways to earn from it,” ang isa pa sa natutunan ng aktres sa buhay may-asawa.

Baka Bet Mo: Carla Abellana naniniwala pa rin sa ‘love’ kahit nabigo sa pag-ibig: Kung wala yan, wala tayong buhay

“We should be transparent about our failures and show how we’ve learned and grown from them. Nasasaktan tayo. Nadadapa. Nahihirapan bumangon.

“Pero wag tayong susuko kahit maraming naka abang na mga tao na gusto kang bumagsak at pabagsakin, wag na wag tayong susuko.

“Tayo ang magko-control ng buhay natin kasama ng mga mahal natin sa buhay, hindi sila.

“Our failures, part yan ng journey natin. It’s up to us how to handle it. It’s up to us kung ano ang gagawin nating decisions. Susuko? O matututo at lalaban sa hamon ng buhay kasama ang mga mahal sa buhay?” ang litanya pa ng wais na misis.

Sa huli, ipinaalala niya sa lahat na kapag tulung-tulong ang pamilya at ang mga taong pinagkakatiwalaan mo ay walang imposible.

“Tandaan mo, hindi ka nag iisa. Marami tayong nakakaramdam ng pagkabigo pero sama sama tayong magtulungan para makabangon sa buhay,” mariing pahayag ni Neri Miranda.

Read more...