Matteo Guidicelli wala talagang balak mag-showbiz, ultimate dream ang maging kauna-unahang Pinoy Formula 1 Racer

Matteo Guidicelli wala talagang balak mag-showbiz, ultimate dream ang maging kauna-unahang Pinoy na Formula 1 Racer

Matteo Guidicelli

WALA talaga sa plano ng Kapuso actor at TV host na si Matteo Guidicelli ang sumabak sa entertainment industry dahil iba ang mundong nais niyang pasukin noon.

Ang ultimate goal talaga ng husband ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ay ang maging first ever Filipino na maging Formula 1 racer.

Nag-start ang career ni Matteo bilang isang go-kart racer noong 11 years old pa lamang siya at mula noon ay nagtuluy-tuloy ito hanggang siya ay magbinata.

“I started my career 11 years old as a go-kart driver in Cebu. Every weekend, nandito na kami sa Manila dahil lahat ng mga karera, andito sa Manila. So sabi ng pamilya ko, ‘might as well, let’s migrate the family to Manila,’” pahayag ni Matteo sa panayam ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” podcast.

Ang dream daw kasi niya talaga ay ang maging kauna-unahang Pinoy na Formula 1 Racer pero hindi raw naging madali para sa kanya ang tuparin ito lalo pa’t kinailangan niyang magkaroon ng mga sponsors.

“Sabi ng manager ko that time (Jojie Dingcong), ‘Matteo, I wil help you get endorsements’ kasi ‘yun ‘yung point, maging known tayo bilang racer so we can get sponsorships,” pag-aming ng “Unang Hirit” host.

Baka Bet Mo: Maxene Magalona gusto pa ring magkaanak, opinyon sa pagiging ina: There is no formula for parenting…

Aniya, totoong magastos ang sports na racing kaya ang suggestion sa kanya ng talent manager, pasukin na rin niya ang mundo ng showbiz at subukan ang pag-aartista.


Sagot daw ni Matteo, “’Kuya Joj, that’s not my route e.’”

Sey naman ng dati niyang manager, “’Okay ‘to, mag-endorse ng products, modelling here and there, pero ‘yung focus ko talaga, maging unang Pilipino sa Formula 1.’”

Natatandaan pa raw ng mister ni Sarah G, dinadala siya noon sa Europe ng kanyang parents at iiwanan doon ng ilang buwan para mas makapag-focus siya sa racing.

Nag-work din siya doon bilang mekaniko para sa mga racing teams sa edad na 15 hanggang 17, kaya naman napakarami rin niyang natutunan sa pagkumpuni ng mga motor.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake sasabak na sa mundo ng showbiz, chinika ang paghahanda sa pag-aartista

Hanggang sa bumida na nga siya sa 2010 Kapamilya teleserye na “Agua Bendita” kung saan nakasama niya ang aktres na si Andi Eigenmann. Kasunod nito, nagtuluy-tuloy na ang kanyang showbiz career.

“Sabi ko mahirap din itong pangarap na maging unang Pilipino sa Formula 1 kasi ‘yung market po natin dito sa Philippines, we don’t have that large market that accepts or supports Formula 1.

“Formula 1 is a very niche sport e, it’s very expensive and we don’t have corporations that could sponsor that large amount of money to a driver,” paliwanag ni Matteo.

Mababa rin daw ang level ng competition sa Pilipinas kung ikukumpara sa Europe kaya kahit pa umaabot siya top three, napakasuwerte na kung umabot siya sa top 50 sa ibang bansa.

“It was very difficult so I stopped and pursued showbusiness 100 percent,” ani Matteo na muling mapapanood sa Kapuso series na “Black Rider” starring Ruru Madrid na magsisimula na bukas, November 6 sa GMA Telebabad.

Read more...