Buboy Villar hinding-hindi susuko sa laban: 'OK lang po akong umiyak at mag-break down, pero kailangan kong bumangon' | Bandera

Buboy Villar hinding-hindi susuko sa laban: ‘OK lang po akong umiyak at mag-break down, pero kailangan kong bumangon’

Ervin Santiago |October 15,2023
facebook
share this

Buboy Villar hinding-hindi susuko sa laban: ‘OK lang po akong umiyak at mag-break down, pero kailangan kong bumangon’

Ervin Santiago - October 15, 2023 - 07:32 AM

Buboy Villar hinding-hindi susuko sa laban: 'OK lang po akong umiyak at mag-break down, pero kailangan kong bumangon'

Marian Rivera at Buboy Villar

OKAY lang sa Kapuso TV host-comedian na si Buboy Villar na umiyak, masaktan, mag-breakdown pero hinding-hindi raw siya susuko sa mga pagsubok ng buhay.

Kapag inaatake ng matinding lungkot at disappointment, ang palaging tanong ng komedyante sa sarili ay kung para kanino ba siya bumabangon at lumalaban.

At ang palaging sagot daw ng “Eat Bulaga” host sa naturang tanong ay, “Para sa mga anak ko.” Aniya, talagang ang top priority niya ngayon ay ang dalawang anak niyang sina Vlanz at George.

Mariing sabi ni Buboy sa panayam ng online show na “Marites University,” never niyang naisipang sumuko o bumigay kapag may mga hinaharap na pagsubok.

Naaalala pa raw niya yung panahong tila wala nang nangyayari sa kanyang showbiz career dahil hindi na siya nakakatanggap ng mga offer sa teleserye at pelikula.

“No po, ako po ‘yung taong lalaban at lalaban sa buhay, lalo na’t meron akong, ‘yung sinabi ko kanina, para kanino ka bumabangon, ‘yun ‘yung tinitingnan ko.

Baka Bet Mo: Angel gumawa ng tula bilang paggunita sa ABS-CBN shutdown: Hindi susuko at patuloy na lumalaban…

“Wala akong dapat ma-say na negativity o pagsuko sa buhay kung meron akong tinitingnan para sa future.

“Ito po ‘yun e, okay po ako umiyak, okay pong mag-break down, pero kailangan kong bumangon,” pahayag pa ng komedyante.

Samantala, masayang ibinalita ni Buboy na nasa Pilipinas ngayon ang anak nila ng dating partner na si Angillyn Gorens na sina Vlanz at George. Maayos pa rin daw ang co-parenting agreement nila para sa mga anak.

“Wala naman po kaming problema sa nanay ng mga anak ko kasi unang-una po sa lahat, hindi na po natin kailangan ng bitterness sa katawan.

Baka Bet Mo: Joey de Leon umiyak habang nakikipag-usap sa advertiser ng ‘Eat Bulaga’: ‘Rejection is God’s redirection’

“Kumbaga ‘yung mga imposibleng bagay kuno, ‘wag na nating pahirapan pa,” sey ng aktor.

Big blessing din kung ituring ni Buboy ang mga magulang ni Angillyn dahil ang mga ito ang nagbabantay at nag-aalaga ngayon sa mga anak nila.

“’Yun na lang talaga, gagawan mo na lang talaga ng oras para makita mo ‘yung anak mo. Pero okay lang din basta’t maganda magiging future ng mga anak ko naman,” aniya pa.

Pareho sila ni Angillyn na hindi na nagdyowa mula nang maghiwalay sila. Mas pinili raw nilang mag-focus muna sa kanilang mga trabaho para sa kinabukasan ng dalawang anak.

Pero nang usisain tungkol kay Angillyn, “Wala naman, kumbaga, hindi ko na rin naman tinatanong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa akin naman po, kung meron, ok lang. Wala na pong kuwestyon-kuwestyon pa. Ang sabi ko, ‘kung saan ka masaya, du’n ka,'” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending