Yung nangyari kay Zoey, parang pinaalala sa amin ng Diyos na, ‘Huy! Lalo kayong lumapit sa Akin' | Bandera

Yung nangyari kay Zoey, parang pinaalala sa amin ng Diyos na, ‘Huy! Lalo kayong lumapit sa Akin’

Ervin Santiago |February 28,2021
facebook
share this

Yung nangyari kay Zoey, parang pinaalala sa amin ng Diyos na, ‘Huy! Lalo kayong lumapit sa Akin’

Ervin Santiago - February 28, 2021 - 01:26 PM

PATULOY na bumabangon at lumalaban sa buhay ang mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Velasco Taberna sa gitna ng mga kinakaharap nilang pagsubok.

Abot-langit ang pasasalamat ni Ka Tunying sa Panginoong Diyos dahil sa kabila nga ng matitinding challenges na dumating sa kanilang pamilya ay nananatili pa rin silang buo at matatag.

Sabi ng TV host-radio anchor, isa sa mga ipinagpapasalamat niya ay ang pagiging matapang ng kanilang anak na si Zoey Taberna na patuloy na nakikipaglaban ngayon sa sakit na leukemia.

Ayon naman sa asawa niyang si Rossel, isa si Zoey sa nagpapalakas ng kanilang loob dahil nakikita nila ang bata na kahit sa murang edad ay hindi basta-basta nagpapatalo sa kanyang karamdaman.

“Siya pa ‘yung malakas. Siya ‘yung matapang. Siya ‘yung lumalaban. So, nakakahiya naman sa amin bilang mga magulang na sa amin pa makikita ang kahinaan kung ang anak namin is a fighter,” pahayag ni Rossel sa panayam ng “I Feel U” ni Toni Gonzaga.

Dagdag pa niya, “Kapag nasa harap kami ni Zoe, alam mo naman si Ka Tunying, very jolly, so ‘yun lang pinapakita namin sa kanya, gano’n lang namin pinapakita sa kanya. Pero kaming dalawa, hindi namin alam kung paano ipu-put together.”

Dito, nabanggit uli ni Rossel na nu’ng unang malaman nilang may sakit ang anak, hindi niya maiwasang sisihin ang sarili dahil hindi raw niya agad nalaman bilang isang ina na may sakit na pala ang si Zoey.

“Inisip ko, ano bang nagawa mo bilang magulang, masyado ka bang okupado sa mga anak mo? Of course, may ganoong feeling as a mother.
“Nagkaroon ng time talaga sinisisi ko ‘yung sarili ko. Dapat alam ko ‘yung condition ng anak ko,” lahad pa ng misis ni Ka Tunying.

Sabi naman ni Anthony, kung may isang bagay daw na magandang idinulot ang pagkakasakit ni Zoey, “Mas closer kami ngayon at naiintindihan namin ang isa’t isa ngayong mas maraming dumarating na problema.

“Kasi sabi nga, masusubok mo ‘yung character ng isang tao kung dinadaanan ka ng bagyo, eh,” dagdag pa ng dating Kapamilya newscaster.
Aniya pa, “Financially, career-wise, ang hanapbuhay, maayos naman. May tendency kasi ang tao, kapag wala siyang problema, may napapabayaan na akala mo kaya mo na lahat.

“Pero nu’ng nangyari itong kay Zoey, parang pinaalala sa amin ng Panginoong Diyos na, ‘Huy! Lalo kayong lumapit sa Akin.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayaw Niya lumayo ka sa Kanya, so ‘yung problema na pinagdaanan namin, ‘yun ‘yung ginamit Niya para lumapit kami sa Kanya. Ayun, naging normal na, araw-araw nagpe-pray kami as a family,” magandang paliwanag pa ni Ka Tunying.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending