Carla Abellana naniniwala pa rin sa 'love' kahit nabigo sa pag-ibig: Kung wala yan, wala tayong buhay | Bandera

Carla Abellana naniniwala pa rin sa ‘love’ kahit nabigo sa pag-ibig: Kung wala yan, wala tayong buhay

Ervin Santiago |November 09,2022
facebook
share this

Carla Abellana naniniwala pa rin sa ‘love’ kahit nabigo sa pag-ibig: Kung wala yan, wala tayong buhay

Ervin Santiago - November 09, 2022 - 08:13 AM

Carla Abellana naniniwala pa rin sa 'love' kahit nabigo sa pag-ibig: Kung wala yan, wala tayong buhay

Carla Abellana at Tom Rodriguez

SA KABILA ng mga matitinding pagsubok na pinagdaanan ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang personal na buhay, naniniwala pa rin naman siya sa “love.”

Makalipas ang halos isang taon mula nang sumabog ang balitang naghiwalay na sila ng kanyang asawang si Tom Rodriguez, ngayon lang nagbahagi ang aktres ng ilang detalye hinggil sa present status ng kanyang life.

Ayon kay Carla, napakarami niyang natutunan sa buhay nitong mga nakaraang buwan, at ang pinakamahalaga pa rin daw sa lahat ay ang relasyon sa pamilya at sa mga tunay na kaibigan.

Sa bagong vlog ng TV host-actor na si Luis Manzano, inisa-isa ni Carla ang kanyang mga natutunan sa mga lowest point ng buhay niya.

Hindi man binanggit ni Luis ang tungkol sa kontrobersyal na hiwalayan nina Carla at Tom, malinaw naman ang naging tugon ng aktres sa naturang katanungan.

“Ang pinakaimportante? Siguro itong this past year talaga ha, na we will really never know kung ano mangyayari.

“We may make plans or we see everything na nandito tayo sa mundo, tayo nagpaplano, nag-asikaso, lahat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

“But sometimes life just hits you na hindi mo talaga alam what will happen tomorrow.

“Yun bang what you have is just today. No matter how everything is organized or laid out, there are times talaga na unpredictable ang buhay, I guess,” sagot ni Carla.

Nagawa raw niyang lampasan ang mga ito sa pamamagitan ng pagtitiwala at pagmamahal sa sarili, “There are times that you have only yourself, parang ganu’n, na parang you have only yourself to help you, parang ganu’n.

“I’m not saying naman na lahat tayo we’re alone or anything, but yun bang there are times when you can only depend on yourself, or yung sarili mo yung kailangang tutulong din sa sarili mo,” aniya pa.

Natanong din siya ni Luis kung naniniwala pa siya sa love matapos ang nga nangyari sa personal niyang buhay.

“Honestly, ang love, ang dami naman definition on love but, yes, of course. Kung walang love, wala tayong buhay.

“There’s family love, the love of my dogs, the love of your friends, correct, barkada. Love, definitely, oo naman. Love is all around, it definitely exists,” anang aktres.

Ito naman ang naging tugon ng Kapuso star nang hingan ng payo para sa mga taong dumaraan din sa mga pagsubok na hinarap niya in the past.

Ani Carla, “Wala pa ako dun sa position to give whatever advice sa mga currently may mga pinagdadaanan din.

“But like what I always say lang, basta one day at a time, yung ganun lang na wala tayong magagawa, that’s part of life.

“Hindi laging masaya, hindi laging tumatawa, or nakakangiti na whether you are alone in life or with somebody, a complete family.

“May times kumbaga na ganun talaga, things happen. Wala tayong magagawa kundi tanggapin yun.

“And there are certain things or people that we cannot change, siguro on how you react to it na lang.

“So, parang in a year’s time, sa buhay ng mga tao, may mga nangyayari talagang hindi naman talaga nila gusto or hindi nila in-expect, di ba? Ganu’n lang yun, as long you don’t give up on yourself,” pagbabahagi pa ng aktres.

Vice gusto ring magkaroon ng sariling anak, nangangarap makapasok sa Hollywood: Suntok sa buwan, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carla ipatatayo na ang dream house; GMA Gala Night nakalikom ng P1.4-M para sa pagpapatayo ng mga nawasak na paaralan sa Abra

Robin may promise kay Aiko pag nakapasok sa senado: Kung wala pa tayong nagawa, nakakahiya puro action star pa kami du’n

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending