Carla ipatatayo na ang dream house; GMA Gala Night nakalikom ng P1.4-M para sa pagpapatayo ng mga nawasak na paaralan sa Abra
TULOY ang buhay at move-on, move-on din pag may time ang drama ngayon ng Kapuso actress at TV host na si Carla Abellana.
In fairness, glowing at napakaganda pa rin ni Carla na solong rumampa sa red carpet ng bonggang GMA Thanksgiving Gala last Saturday.
Kahit na nga naghiwalay na sila ng isa pang Kapuso star na si Tom Rodriguez as a married couple, at matapos masuong sa mga kontrobersyang dulot nito, mukhang ready to fight na uli ni Carla.
Agaw-eksena ang suot niyang shining, shimmering na black and white fitted gown mula sa pamosong fashion designer na si Francis Libiran.
Ayon kay Carla, marami siyang pinagkaabalahan ngayon sa kanyang career at personal na buhay, at kasama na nga riyan ang pagtupad sa matagal na niyang pangarap — ang maipatayo ang kanyang dream house.
View this post on Instagram
Sey ni Carla, naka-focus ngayon ang kanyang panahon at atensyon, una sa kanyang pamilya at pangalawa sa kanyang trabaho at pangatlo sa pagpapatayo ng kanyang sariling bahay.
“I am building my house, my dream house, what else, spending more time with my family medyo doon ako hindi lang preoccupied pero talagang doon ako busy ngayon,” pahayag ng aktres sa panayam ng GMA.
Sa mga fans naman na nagtatanong, kasama si Carla sa upcoming GMA live adaptation ng Japanese anime series na “Voltes V: Legacy” kung saan gaganap siya bilang si Mary Ann Armstrong.
Samantala, naging major part naman ng GMA Thanksgiving Gala noong July 30 ang pagbibibigay ng proceeds nito sa GMA Kapuso Foundation (GMAKF).
Sa tulong ng sponsors at donors, nakalikom ang magarbong event ng P1.4 million na gagamitin para sa pagpapatayo ng mga eskwelahang napinsala ng lindol sa Abra kamakailan.
Magsisilbi rin itong pondo para sa pagpapagawa ng classrooms sa Magallanes Elementary School sa Limasawa Island, Southern Leyte.
Idinaos sa GMA Gala Night ang turnover ceremony kasama ang Kapuso stars na sina Alden Richards at Heart Evangelista bilang kinatawan ng GMA Network. Ibinigay ang donasyon kina GMAKF Founder and Ambassador Mel Tiangco at GMAKF EVP and COO Rikki Escudero-Catibog.
Sa gitna ng bonggang pagdiriwang ng 72ndanniversary ng GMA, talagang nakakabilib dahil hindi pa rin ito nakalilimot na mamahagi ng blessings sa mga Pilipino kaya naman patuloy ang kanilang tagumpay sa mga nagdaang taon.
https://bandera.inquirer.net/312903/carla-abellana-natawa-sa-ginawa-ng-bbm-supporters-sa-tapat-ng-bahay-niya
https://bandera.inquirer.net/320226/beauty-gonzalez-p10-m-ang-halaga-ng-suot-na-mga-alahas-sa-gma-thanksgiving-gala
https://bandera.inquirer.net/307148/nadine-lustre-tutol-sa-ipapagawang-tulay-sa-siargao-secret-beach-should-be-preserved
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.