Neri namutla sa sobrang lamig ng tubig sa shower: 'Sa magugulat na 'di naliligo araw-araw sa Baguio, wag kayong judgmental d'yan' | Bandera

Neri namutla sa sobrang lamig ng tubig sa shower: ‘Sa magugulat na ‘di naliligo araw-araw sa Baguio, wag kayong judgmental d’yan’

Ervin Santiago |January 04,2023
facebook
share this

Neri namutla sa sobrang lamig ng tubig sa shower: ‘Sa magugulat na ‘di naliligo araw-araw sa Baguio, wag kayong judgmental d’yan’

Ervin Santiago - January 04, 2023 - 09:53 AM

Neri namutla sa sobrang lamig ng tubig sa shower: 'Sa magugulat na 'di naliligo araw-araw sa Baguio, wag kayong judgmental d'yan'

Neri Naig-Miranda

ALIW na aliw ang mga netizens sa latest Instagram paandar ng aktres na si Neri Miranda patungkol sa pagligo sa Baguio City.

Kumasa ang misis ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa pagsa-shower sa Baguio gamit ang malamig na tubig.

Nag-post siya ng kanyang litrato sa IG kalakip ang kuwento kung paano niya kinaya ang super cold water sa shower na talaga namang tumatagos daw hanggang buto.

“Uk….na! Naligo ako ng malamig na tubig! Namutla na nga ako eh, nabigla dugo ko.

“Siguro dapat ang twalya sa Baguio, comforter level. Ayan tuloy, napaupo na lang ako muna at di makagalaw sa ginaw,” simulang hirit ng tinaguriang “wais na misis.”

Sey pa ni Neri, “Pinakamabilis na ligo ko to at idaan na lang sa sigaw! Pero ang secret, unahin si hair muna. then isang malaking buntong hininga at fighting spirit!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)


“Yung nakaset ka na kase na maliligo today dahil di ako naligo kahapon tapos biglang umulan. Anyamet naman o!

“Ayun nag-feeling Elsa ako at naligo ng malamig at ang lakas ng tubig bigla sa Brgy Hillside. Salamat po at nakaligo rin sa shower at di na de tabo,” chika pa niya.

Pagpapatuloy pa niya, “Sa Baguio po ay rasyon po talaga ng water dahil nga mataas.

“4 na malalaki tanke ng water ang pinalagay namin sa @baguiohillsidehouse. Pero may mga nagdedeliver naman ng water kung kinakailangan,” sabi pa ng actress-entrepreneur.

At ang paalala niya sa publiko, “Sa magugulat na di naliligo araw araw sa Baguio. Wag kayong judgmental dyan.

“Kung sa initan na lugar nga di tayo naliligo araw araw eh, dito pa kaya sa Baguio at mas panahon pa ng taglamig. Kailangan kong i-explain talaga,” dagdag pa niya.

Sa huli, humirit pa si Neri ng, “P.S. hindi ko mapaandar yung hot water, bago heater eh. saka buo na loob ko na malamig panliligo ko. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.”

Piolo umaming hindi naliligo, nakahubad lang habang nasa Batangas farm; niregaluhan ang sarili ng chicharon

Basang-basa sina Enchong at Arjo sa latest trip na ‘Tabo ng Ina Mo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryza Cenon inireklamo ang P120k water bill: ‘Ano kami may carwash?!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending