Basang-basa sina Enchong at Arjo sa latest trip na 'Tabo ng Ina Mo' | Bandera

Basang-basa sina Enchong at Arjo sa latest trip na ‘Tabo ng Ina Mo’

Reggee Bonoan |March 13,2021
facebook
share this

Basang-basa sina Enchong at Arjo sa latest trip na ‘Tabo ng Ina Mo’

Reggee Bonoan - March 13, 2021 - 04:30 PM

Hindi na kami magtataka kung dapuan ng trangkaso sina Enchong Dee at Arjo Atayde sa laro nilang “Tabo ng Ina Mo” na in-upload ng una sa kanyang YouTube channel kamakailan.

Kaya tabo ng ina mo ay, “Kasi nandito tayo sa bahay nina Arjo at ang may-ari ng tabo at balde ay ang ina ni Arjo. Tita Sylvia kung nanonood ka, I love you. Katuwaan lang at dahil summer na ngayon sakto kung meron kayong gustong game o vlog, ito na ‘yun,” say ni Enchong.

Kung sino ang makakakuha ng mas mababang numero sa card ay talo at bubuhusan ng malamig na tubig kaya talagang manginginig ka sa ginaw kahit pa putok ang araw sa garahe nina Arjo.

Ibinuking din ni Enchong na kapag ibang kaibigan niya ang guest niya sa vlog niya ay lumalabas ang ibang ugali at natutuwa siya, “Kapag kasama mo si Bea (Alonzo), prim and proper ka, ha, haha.”

Panalo kaagad si Arjo at kaagad niyang tinapunan ng isang tabong malamig na tubig si Enchong na ikinagulat nito dahil binigla siyang buhusan sa mukha.

“Hindi ako ready, plinano mo ‘yun, ha, haha. Masamang tao ka!” tumatawang sabi ni Enchong kay Arjo.

Sa Ikalawa ay talo ulit si Enchong at sabi niya, “Nag-shoot sa utak ko (tubig), parang may nag-ring, vlog mo ‘to, eh?”

Hindi pa rin siya nanalo sa ikatlo at tanging nasabi niya habang tumatawa, “Tabo ng ina mo?”

Sa ika-apat ay nanalo na si Enchong pero namali siya ng hagis ng tubig dahil nag boomerang sa kanya.

Nakabawi naman kaagad sa ikalimang round si Arjo at dahan-dahan naman niyang binuhusan ng malamig na tubig si Enchong.

“Lakas mang-asar, nararamdaman ko na sa loob (malamig na tubig) ng brief ko,”saad ni Enchong.

Sa ika-anim ay nanalo ang budgetarian vlogger kaya naman napa-yes siya at tumayo pa siya para ilapit sa mukha ni Arjo ang pagbuhos niya ng tubig na nasiyahan siya.

Naubo naman ang aktor dahil pumasok sa ilong niya at sa ika-pito ay panalo siya at ang ginawa niya ay ang balde sa tubig ang ipinangbuhos niya.

“Alam mo, naisip ko na na ‘yun ang gagawin mo,” sabi ni Enchong kay Arjo.

Panalo na ulit si Enchong sa ika-walo, “Revenge!” aniya at napasigaw si Arjo, “Ang lamig” dahil unti-unti ang pagbuhos sa kanya ng tubig.

Ginaya na rin ng aktor ang ginawa sa kanya at ibinuhos ang isang baldeng tubig at humirit pa si Arjo ng isa pa na dapat beer naman ang ilagay.

“Aba humirit pa, puwede rin pala ‘no, kumukulong tubig. So sa 2nd part, lagyan namin ng maraming yelo para mas intense,” saad ni Enchong.

Nagpalit sila ng baraha sa bagong rules daw at sinuwerte si Enchong dahil nanalo siya sa ikasiyam at unti-unti niyang binuhusan si Arjo.

Nagpapadyak ang aktor sa sobrang lamig na gumapang sa ulo niya pababa at namumula na, “I’m cold! This is so cold!” paulit-ulit na sabi ni Arjo.

Tuwang-tuwa naman si Enchong pero natalo siya sa ika-sampu at ginantihan siya ng kaibigan na unti-unting ibinuhos ang malamig na tubig sa harapan niya kaya hindi na siya makakibo at napatayo na lang para magpagpag.

Sabay sabi ng binata, “Sabi ng balls ko (muwestrang nag shrink).”

At nakaganti siya dahil win siya sa 11th round at sa likod naman niya unti-unting ibinuhos ang nagyeyelog tubig na iknatayo ni Arjo, “Oh, hypothermia this time!”

“Yung balat mo nag-red nu’ng binuhos ko ‘yung tubig,”sambit ni Enchong.

Salitan na ng panalo ang dalawa at panay ang pagpag na nila ng kanilang mga shorts dahil lamig na lamig na sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang ending habang naglalaro sila ay nagsa-shampoo na sila at nagsasabon at ang natirang tubig ang ipinang banlaw nila.

Sana sina Bea at Erich Gonzales naman ang mapanood namin sa parehong game ni Enchong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending