Michelle Dee nasa El Salvador na

Michelle Dee nasa El Salvador na, enjoy na naki-’mingle’ sa mga kandidata ng MU

Pauline del Rosario |November 05,2023
facebook
share this

Michelle Dee nasa El Salvador na, enjoy na naki-’mingle’ sa mga kandidata ng MU

Pauline del Rosario - November 05, 2023 - 11:11 AM

Michelle Dee nasa El Salvador na, enjoy na enjoy na naki-’mingle’ sa mga kandidata ng Miss Universe

PHOTO: Instagram/@themissuniverseph

NASA El Salvador na ang ating pambato na si Michelle Dee para sa kanyang laban sa Miss Universe competition.

Sa isang Instagram post nitong November 4, proud na ibinandera ni Michelle ang ilang pictures at videos ng kanyang pagdating sa nasabing bansa.

Kabilang na riyan ang kanyang solo pictures habang itinataas ang hawak na watawat ng Pilipinas, pati na rin ang pagsalubong sa kanyang ng Filipino community sa airport.

Makikita rin sa post ang picture nila ng creative director ng Miss Universe Philippines na si Jonas Gaffud.

“Touchdown, El Salvador!” wika niya sa IG.

Patuloy niya, “So incredibly grateful that I arrived safe along with my cargo. Maraming salamat, Salvadorians and of course to the @missuniversosv & @missuniverse organizations for such a warm welcome [emojis].”

Baka Bet Mo: Michelle Dee handang-handa na sa Miss Universe pageant: ‘I’m giving everything…200% of myself’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

As of this writing ay nasa Day 2 na si Michelle sa El Salvador at makikita sa kanyang Instagram Stories na mukhang enjoy na enjoy siyang nakikipag-bonding sa ilang mga kandidata ng nasabing kompetisyon.

Ilan lamang sa mga nakasama niya ay sina Miss India, Miss Laos, Miss South Africa, Miss British Virgin Islands, Miss USA, Miss Hungary, at marami pang iba.

Michelle Dee nasa El Salvador na, enjoy na enjoy na naki-’mingle’ sa mga kandidata ng Miss Universe

PHOTO: Instagram Stories/@michelledee

May IG Story din si Michelle na kung saan ay may hawak siyang camera na tila kinukunan ang isang staff.

Caption pa niya, “When they know you’re good with cameras [emojis] MMD as a creative director made it to the universe!!”

Michelle Dee nasa El Salvador na, enjoy na enjoy na naki-’mingle’ sa mga kandidata ng Miss Universe

PHOTO: Instagram Stories/@michelledee

Magugunitang sinabi ni Michelle sa isang interview na handang-handa na siyang sumabak sa Miss Universe pageant.

Ang sabi pa nga niya, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maiwasan ang magkaroon ng anumang “flaws” o pagkakamali.

Tiniyak din ng Miss Universe Philippines 2023 na 200% ang ibibigay niya para sa kompetisyon.

“I’m giving it everything that I have. Two hundred percent of myself, I’m dedicating it to my crown,” sey niya.

Aniya pa, “I’m working on the different aspects of my campaign just to make sure that when I fly to El Salvador, I’m 100% ready. Walang mahahanap na butas.”

Kamakailan lang, nanguna na ang ating pambato sa online voting ng “Voice for Change.”

Si Michelle ay mayroon nang 139,837 votes, as of November 4, 9:40 a.m.

Samantala, nanawagan din ang local pageant organization sa publiko na huwag kalimutang iboto si Michelle sa “Fan Vote” category upang ma-secure ang kanyang spot sa semifinals.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

El Salvador susunod na host country ng 72nd Miss Universe pageant

Dennis, Barbie, Julie Anne babu na sa ‘Noli Me Tangere’, papasukin naman ang ‘El Fili’: Worth it ang lahat ng dugo, pawis at luha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending