Joey Paras pumanaw na sa edad 45, pamilya nanawagan ng tulong pinansiyal | Bandera

Joey Paras pumanaw na sa edad 45, pamilya nanawagan ng tulong pinansiyal

Ervin Santiago - October 30, 2023 - 09:23 AM

Joey Paras pumanaw na sa edad 45, pamilya nanawagan ng tulong pinansiyal

Joey Paras

SUMAKABILANG-BUHAY na ang komedyanteng si Joey Paras kahapon, October 29. Siya ay 45 years old.

Kinumpirma ng kanyang pamilya ang malungkot na balita kagabi sa pamamagitan ng Facebook kasabay ng paghingi ng tulong pinansiyal.

“To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras, passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023 at 5:40pm.

“Unfortunately his heart wasn’t able to recover anymore,” ang mababasa sa naturang FB post.

“Currently, his remains is still at the hospital’s morgue. We need to settle his hospital bills for us to take him home.

“Our family is knocking at your kind and generous heart to help us raise a fund to cover his hospital bills.

“Kindly PM us immediate family for the bank details. Funeral arrangements will be announced further,” mensahe pa ng pamilya ni Joey.

Matatandaan na noong July, 2018 ay sumailalim si Joey sa heart surgery at rinamaan din ng COVID-19 noong 2020 at na-confine sa ospital. Nanawagan ang komedyante noon ng tulong sa pamamagitan din ng social media dahil kailangan niya ng P750,000 para sa angioplasty operation.

Baka Bet Mo: Gerald nanawagan para sa health workers: Ito yung time na dapat alagaan sila, ibigay sa kanila kung ano yung dapat

Ilan sa mga proyektong nagawa ni Joey ay ang 2013 movie niyang “Bekikang: Ang Nanay Kong Beki”, “Sisterakas” (2012), “Momzillas” (2013), “Born Beautiful” (2019), at “Ayuda Babes” (2021).

Nakasama rin siya sa mga seryeng “Dahil May Isang Ikaw” (2009), “Kahit Puso’y Masugatan” (2012), at “FlordeLiza” (2015).

Sa isang panayan noong 2020, nagkuwento ang komedyante tungkol sa kanyang health condition at kung bakit siya pansamantalang nawala sa showbiz.

“Actually, maraming factors. Una dito, nagkasakit ako sa puso, di ba? Dahil nagkasakit ako sa puso marami akong offers na hindi ginawa. Hindi na ako nagteleserye kaya siguro hindi na nila ako nakikita masyado.

“Kung gumawa man ako ng pelikula, mga indie, hindi siya iniri-release ng maraming sinehan. Tsaka ano na rin, ang dami kong hinindian kasi nagpahinga talaga ako, health reasons,” aniya pa.

“Hindi talaga siya healthy kapag pinush ko na magpatuloy ako. Pero once in a while, gumagawa ako tapos nagtuturo ako ng (acting) workshop every week, may sarili akong grupo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos siguro ito na rin yung taon na gusto ko ring lumihis ng konti mula sa ginagawa ko dati, gusto ko namang maging filmmaker,” sey pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending