Joey Paras nanghingi ng tulong pinansiyal para sa heart surgery  | Bandera

Joey Paras nanghingi ng tulong pinansiyal para sa heart surgery 

Ervin Santiago - June 08, 2020 - 12:51 PM

NANGHIHINGI ng tulong ngayon ang komedyanteng si Joey Paras para sa pagpapatuloy ng kanyang angioplasty procedure.

Ayon kay Joey, o Joseph Estrada Paras sa tunay na buhay, kailangan niya ng P750,000 para sa gagawin sa kanyang heart surgery.

Sa pamamagitan ng Instagram, nanawagan ang komedyante sa may mga mabubuting puso na tulungan siyang makalikom ng sapat na halaga.

“Friends, followers, family, loved ones. I need your HELP. Please Go Fund Me.

“Hindi pa po natutuloy ang Angioplasty procedure ko due to lack of funds,” pakiusap ni Joey na dalawang beses nang sumailalim sa heart surgery dahil sa iniindang heart condition.

Kung matatandaan, tinulungan siya noon ng mga kasamahan niya sa weekly noontime show noon ng GMA 7, ang Sunday PinaSaya, para sumailalim sa angioplasty sa ikalawang pagkakataon.  

Balitang ipinagbibili na rin ng comedian ang bahay niya sa Imus, Cavite para matustusan ang iba pa niyang pangangailangan.

Naka-confine ngayon si Joey sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig, base na rin sa mga litratong ipinost niya sa IG.

Samantala, masaya naman niyang ibinalita sa kanyang mga kaibigan at social media followers na negative ang result ng isinagawang COVID-19 test sa kanya.

“I tested negative sa COVID-19 testing. Praise God!

“Para akong nanalo ng award. Now, this makes me happy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Edema and heart failure, tayo naman ang magtutuos,” kuwento ni Joey sa kanyang Facebook post. 

Sa mga gustong tumulong sa komedyante, maaring magbigay ng financial help sa pamamagitan ng crowdfunding website na GoGetFunding na nakalagay sa pangalan niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending