Julia kay Coco: Siya ang answered prayer ko, nu'ng time na lost ako siya yung nag-guide sa akin' | Bandera

Julia kay Coco: Siya ang answered prayer ko, nu’ng time na lost ako siya yung nag-guide sa akin’

Ervin Santiago - October 30, 2023 - 08:49 AM

Julia kay Coco: Siya ang answered prayer ko, nu'ng time na lost ako siya yung nag-guide sa akin'

Julia Montes at Coco Martin

ITINUTURING na “answered prayer” ng Kapamilya actress na si Julia Montes ang pagdating ni Coco Martin sa kanyang buhay.

Ibinandera ni Julia sa buong universe na si Coco ang tumulong at gumabay sa kanya noong nagsunud-sunod ang pagdating ng mga pagsubok sa buhay niya.

Nakapanayam ng “TV Patrol” anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo ang partner ni Coco para sa kanyang YouTube channel at napag-usapan nga nila ang tungkol sa pakikipagrelasyon.

Natanong si Julia kung ano ang mas gusto niyang maging karelasyon sana – kung non-showbiz o katulad din niya na isang artista

“I’m the type of person na kung ano yung binigay sa akin ni Lord, naniniwala ako, ibinigay siya sa akin,” tugon ng leading lady ni Alden Richards sa blockbuster movie na “Five Break-Ups and a Romance.”

Pagbabahagi pa ni Julia, “Si Coco kasi, nagkataon nu’ng time na lost ako as a person, siya yung nag-guide sa akin, e.

“Siya yung answered prayer ko na nu’ng mga time na, ‘Anong gagawin ko?’ Lost. Di ko alam kung anung-ano.

Baka Bet Mo: Herlene Budol sumabak sa Q&A, matapang na sinagot kung dapat sumali ang mga transwoman sa mga beauty pageant

“Tapos ipinakita lang niya sa akin na siya rin, been through all hardships. Tapos basta keep the faith and Nazanere devotee sila ni Lola.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

“So, parang na-realize ko lang, ‘Oo nga, ‘no, basta huwag ka lang gi-give up and keep the faith.’ Yun yung isa sa pinagpi-pray ko na in-answer ni Lord through Coco,” esplika pa niya.

Paglilinaw ng aktres, hindi naman sa ipinagdadamot nila ni Coco ang kanilang relasyon sa publiko, mas pinahahalagahan lang daw nila ang kanilang privacy.

“Ang sa amin, mas importante lang sa amin ngayon yung privacy. Si Coco kasi, hindi showbiz, e, ever since, hindi.

Baka Bet Mo: TikTok prayer viral na: ‘Para sa mga nasisi pa kahit ‘yung kabiyak nila ang unang nangwalanghiya…Our Lady Heart Evangelista, please pray for us…’

“Kung ano siya as Rodel (Nacianceno, totoong pangalan ni Coco) yun din siya as ngayon, as Coco,” sey pa ng Kapamilya star.

“So, parang yung private life, mas prefer ko lang talagang balato na. Balato na sa akin,” pakiusap pa niya.

Ayon naman kay Bernadette, kitang-kita naman ang kabutihan ng puso ni Coco na agad namang sinang-ayunan ni Julia, “Yes, kasi ang core niya rin, ganun po, e, family, generous siyang tao.

“Tapos hindi rin naman siya laki sa yaman. Kaya talagang lahat ng meron siyang opportunity, blessing ngayon, kaya siya ganu’n mag-give back.

“More than anything, hindi lang siya, parang ang tawag kasi ng ibang tao, ‘Hmp, ma-showbiz naman.’ Hindi, e. Talagang iba ang private life,” sey pa ni Julia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tanong kung nagseselos pa ba siya, “Nagseselos din ako, tao naman po ako. Pero maturity, saka work is work.

“Yes. Si Coco naman sobrang ano yan na tao, sobrang mabuti, mabait, and wala akong masasabi, kaya wala, kalma lang,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending