Birthday wish nina Ate Vi at Boyet, sana bumalik na ang mga Pinoy sa sinehan at bawasan ang P400+ na bayad
SA darating na October 31 ay 67th birthday na ni Christopher de Leon habang 70 years old naman ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa November 3.
Kaya naman sa nakaraang presscon para sa kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “When I Met You In Tokyo” mula sa JG Productions, natanong ang dalawang premyadong movie icon kung ano ang kanilang wish para sa entertainment industry.
Alam naman ng lahat na talagang hirap na hirap pa ring bumangon ang movie industry matapos ang pandemya at halos lahat ng pelikulang Pinoy na ipinalalabas sa sinehan ay hindi kumikita.
Pahayag ni Ate Vi, “Siguro, kung meron man akong birthday wish sa taong ito, wala akong hihilingin kundi sana, bumalik na yung sigla ng Metro Manila Film Festival.
View this post on Instagram
“And at the same time, yung mga kababayan natin…na-miss na po namin yung mga pila sa sine. At isang pinakamalaking wish ko this coming November 3 on my birthday, sana mababaan naman yung fare ng sine.
“Para maibalik natin, sana ipasa naman yon, kahit pagbigyan lang natin ng tatlong taon. Maka-recover lang ang industriya natin. Yung ibaba niyo muna sa dati muna yung fare ng sine. Kasi hindi lahat makakakaya ng P400 plus,” pakiusap ng beteranang aktres.
Baka Bet Mo: Ate Vi binalikan ang pagiging Darna at Dyesebel; umaming nasaktan sa sampal ni John Lloyd
Dagdag ni Ate Vi, “Sana, give us naman yung pagkakataon na yun na, even for three years na maibalik lang namin yung sigla at makita uli namin yung mahahabang pila sa sine.
“So sana, I’ll pray for that. Na mapagbigyan na maibaba yung bayad sa sine, nang makaya na ng mga taga-C,D,E crowd. Yun ang prayers ko,” mensahe ng aktres.
Para naman kay Boyet, “Of course, talagang dasal natin, let’s all thank God that this pandemic is over, ‘no. That it is over.
“So, let’s go back to the cinemas. Iba yung pag sumigla yung cinema, di ba? Iba yung joy that we get when we go out, we buy popcorn, and then watch movie with family and all that.
“Yung saya, the simple happiness and pleasures in life na nagagawa natin dati. Na nahinto because of the pandemic. And now we’re back, so let’s go back to the cinema and support the good, local films that will come out sa mga mga darating na araw.
“And siyempre, wish ko, wish ko din na… When I Met You In Tokyo you know, will make it really big,” dugtong ng aktor.
Natanong din ang perennial loveteam kung matindi ba ang pressure sa kanila na mapabalik ang mga Pinoy sa panonood sa sinehan, lalo na ngayong darating na December para sa MMFF 2023.
Sey ni Vilma, “Yes, that’s true. Kasi inabot namin yun, e. Nagkataong inabot namin yun. Na nakita namin yun talaga, pag sinabing blockbuster, blockbuster talaga.
“Nakita natin yung mga pelikula kung papaano pilahan noong araw, di ba? Inabot din namin na hindi na pumipila sa SM, pumipila talaga sa sine. Parang ahas, di ba?
“But nawala na yun. Nakaka-miss yung ganun. And I think, it has something to do with our economy, too. And then, andami nating challenges sa bansa, di ba? The pandemic and everything.
“So that’s why, marami ngayon ang umaasa, na sana yung sigla na yun, plus may kalaban pa tayo na iba-iba na plataporma sa social media, di ba?
“Kaya nang panoorin yung mga pelikula du’n. Ang daming kalaban.Pero wala pa ring makakapagbago dun sa bonding na puwedeng gawin pag naibalik natin yung mga manonood talaga na pumipila, bonding ng family, kakain, manonood ng sine.
Baka Bet Mo: Claudine 2 beses iniligtas ni Ate Vi: ‘Because of you, my children still have a mom’
“Yun ang nawala sa tingin ko. So ngayon, yeah, it’s a burden. Na sana, this coming MMFF, with the 10 movies na io-offer, sana po.
“And then at the same time, I’m really praying ma-adjust yung bayad. Sana po, sana po maibalik natin yung sigla na yun, ng mga manonood at ma-enjoy nila muli at bumalik sa sine,” sabi ni Ate Vi.
Paliwanag naman ni Christopher, “Yeah, okay, for us it’s not really we call it pressure, no. It’s more of a… how can we cater, how can we show something or contribute. Or how can we make people go back to the movie houses, and present a feel good, a beautiful visual. We always say, Vi, this is a visual feast! It is! It is!
View this post on Instagram
“It is a visual feast, you know. Pag pinanood mo ito, it’s going to be like blow you like, boom! A beautiful film, beautiful colors, you know, a beautiful story and all that.
“We want people to enjoy going back to the movie houses, kaya eto, nagkaroon ako ng target to do something. A movie like this that, you know, will cater to everyone.
“Cater to the young ones, our age, our fans, and even the adults and their children. It’s not a pressure pero for me, it should be really special. This movie, it should be really special.
“And ito po ang ginawa namin for several months, finishing the movie, we were like squeezing each other. Kami, lahat kami, everybody was pressuring each other to make this a beautiful film.
“And hopefully with this material that we have, this project that we have, ma-gain uli namin yung trust ng mga tao to go back and enjoy Filipino films.
“Especially this movie, our movie, hoping and praying to God na of course, siyempre ito naman ang pangarap naming dalawa, ‘Gawa tayo ng pelikula uli!’ sabi ko. ‘Gawa tayo ng pelikula uli!’
“And I’m so lucky to be a part of this material, this movie. And hoping, ngayon pa lang, grateful that this is a beautiful movie. We have a beautiful movie that will cater to all,” pagbabahagi pa ni Boyet.
Makakasama rin sa “When I Met You In Tokyo” sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Lynn Cruz, Kakai Bautista, Tirso Cruz III, Jacky Woo, Gina Alajar, Gabby Eigenmann, Lotlot de Leon at John Gabriel. Ito’y mula da direksyon nina Rado Peru at Rommel Penesa, with Christopher Strauss de Leon as associate director.
Produced by JG Productions with Ma. Rowena Jamaji, Rajan Gidwani as executive producers and Redgie A. Magno, showing na ang “When I Met You In Tokyo” simula sa Pasko, December 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.