Andrea Rubio ng Venezuela wagi bilang Miss International 2023 | Bandera

Andrea Rubio ng Venezuela wagi bilang Miss International 2023

Therese Arceo |October 26,2023
facebook
share this

Andrea Rubio ng Venezuela wagi bilang Miss International 2023

Therese Arceo - October 26, 2023 - 11:12 PM

Andrea Rubio ng Venezuela wagi bilang Miss International 2023
KINORONAHAN ang pambato ng Venezuela na si Andrea Rubio bilang bilang Miss International 2023 sa ginanap na coronation night ngayong araw, Huwebes, October 26, 2023.

Ginanap na ang coronation night sa Yoyogi National Gymnasium sa Shibuya, Tokyo, Japan.

Talaga namang pak na pak si Andrea dahil ito ang nagwagi sa 70 candidates na naglaban-laban para masungkit ang korona bilang Miss International 2023.

At bagamat hindi nakuha ang inaasam na korona ay wagi pa rin ang representative ng Pilipinas na si Nicole Borromeo bilang 3rd runner-up habang sina Vanessa Hayes Schutt (Bolivia) ay hinirang na 4th runner-up, Camila Diaz Daneri (Peru) bilang 2nd runner-up, at si Sofia Osio Luna naman ay wagi nilang 1st runner-up.

Baka Bet Mo: Nicole Borromeo wagi bilang 2023 Miss International 3rd runner-up, Pinoy fans super proud pa rin kahit hindi nakamit ang korona

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hindi rin naman kataka-taka na si Andrea ang nanalo sa patimpalak dahil napahanga ng mga ito ang buong mundo sa kanyang naging sagot nang tanungin ito kung saan niya nakikita ang sarili makalipas ang limang taon.

“In five years, I see myself as an independent woman who works with her communication skills. Miss International is gonna allow me to get this platform and to show all women they can deserve what they dream,” sagot ng dalaga.

Bago naman itanghal na Miss International 2023 ang pambato ng Venezuela ay inanunsyo muna ang mga nanalo ng special awards.

Winner si Miss Angola sa Best in National Costime.Best in Evening Gown naman si Miss Indonesia.

Wagi namang Miss Photogenic si Miss New Zealand habang hinirang naman na Miss Fitness na si Miss Zimbabwe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Swimsuit parade sa final gala ng Miss International 2023 pageant tsugi na

Reigning Miss International Jasmin Selberg sunud-sunod ang biyahe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending