Nicole Borromeo super grateful sa kanyang pamilya: ‘It’s the first time they watched my pageant together’
MAHIGIT isang linggo na mula nang tanghaling third runner-up sa 2023 Miss International pageant, patuloy pa rin na nagpapasalamat si Binibining Pilipinas Nicole Borromeo.
Sa pagkakataon namang ito ay nagpaabot siya ng nakakaantig na mensahe para sa kanyang pamilya.
Ayon kay Nicole, talagang nasorpresa siya nang makita niyang kumpleto ang kanyang pamilya sa mismong kompetisyon niya sa Tokyo, Japan.
“‘My family, they’re here!’ I whispered to a fellow candidate with excitement as I stood on that stage, and caught a glimpse of them in the audience. It was the first time they watched my pageant together which made the experience even more special,” kwento ng Cebuana model at interior design student sa kanyang Facebook post.
Unang pinasalamatan ni Nicole ang kanyang ina na si Joanne na tila nagsisilbing number one fan niya.
Baka Bet Mo: Kylie aprub sa pagkapanalo ni Nicole Borromeo sa Bb. Pilipinas: I think fit siya sa peg ng Miss International
“Thank you for checking up on me and supporting me even when we’re apart,” wika ng beauty queen para sa kanyang nanay.
Dagdag niya, “You’re the first to gather the family and let them know whenever I’m in town. You’ve reminded me that I have a loving home in Cebu to return to.”
May mensahe din siyempre siya para sa kanyang ama na si Ed na lagi raw nandyan kapag kailangan niya.
“Dad, thank you for being just a phone call away, you’ve been my anchor. You never hesitated to pick me up from or take me to the airport as preparations for the pageant intensified,” saad niya sa post.
Ani pa niya, “Our drives and dinners together have been my source of comfort.”
Itinuturing din niyang “blessing” ng kanyang buhay ang boyfriend na si Giles Benedicto.
“Thank you for always looking out for me, and supporting my dreams, and especially for flying in with [Enzo Benedicto] for this momentous occasion, meant more to me than words can express,” mensahe ni Nicole.
Nagpaabot din siya ng appreciation para sa kanyang lolo at lola, “Bringing the family to Japan to come watch me is something I will treasure for the rest of my life.”
Ani pa ng beauty queen, “To my entire family, I am so grateful for your love. You’ve encouraged me to seize every opportunity that comes my way. I love each one of you more than words can express.”
Bago maging pambato si Nicole sa Miss International stint, siya ay itinanghal bilang 2017 Miss Silka Cebu, 2018 Miss Mandaue first runner-up, 2019 Sinulog Festival Queen, at 2019 Reyna ng Aliwan.
Sumali rin siya sa 2019 Miss Teen Philippines pageant kung saan siya ay nagtapos sa third runner-up.
Kinoronahan din siya bilang 2019 Miss Millennial Philippines sa isang segment ng noontime variety TV show na “Eat Bulaga!”
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.