Swimsuit parade sa final gala ng Miss International 2023 pageant tsugi na | Bandera

Swimsuit parade sa final gala ng Miss International 2023 pageant tsugi na

Armin Adina - July 23, 2023 - 11:07 AM

MAGIGING kakaiba ang 2023 Miss International pageant sa mga naunang edisyon, batay sa mga binabalak na pagbabagong ibinahagi ni Stephen Diaz, ang Pilipinong head director ng organizerna International Cultural Association.

Ang pinakahuli, at marahil pinakamalaki sa mga ito ay ang pagtatanggal sa swimsuit parade.

“There will be no more SWIMSUIT PARADE during the final gala of #MissInternational2023. Swimsuit evaluation will only be done during the closed-door preliminary evaluation,” sabi ng pageant organizers sa social media noong Hulyo 22. Sa mga nagdaang edisyon, rumampa lahat ng mga kandidata sa parada ng national costume, swimwear, at evening gown sa final show.

Sa isang panayam ng Inquirer nang dumating siya sa Pilipinas noong Mayo para sa 2023 Binibining Pilipinas pageant, sinabi ni Diaz, “we are exploring on the fact that we will do sportswear instead of swimsuit during the final night. We will still do the swimsuit evaluation, just not onstage.”

Sinabi niyang may pag-aalinlangan ang ilang sponsor sa pagparada ng mga babaeng naka-swimsuit. “They don’t want to be put in a situation wherein their stakeholders, stockholders will ask them, ‘why are you sponsoring an event that makes women catwalk in swimsuit?’ So we are exploring on that possibility of doing sportswear instead,” ipinaliwanga ni Diaz.

Baka Bet Mo: Michelle Dee pinainit ang socmed sa pasabog na sexy photo para sa 2022 Miss Universe PH swimsuit challenge

Sa isang hiwalay na social media post, sinabi ng Miss International pageant na susukatin ang mga kandidata “based on their attitude, punctuality, beauty of face, body proportion, intelligence, and their social contribution! Preliminary judging will strictly be for body proportion and skin quality only. Skin color is irrelevant!”

Ibinunyag din ni Diaz na may mga nagrereklamo tungkol sa sistema ng Miss International pageant. “Guys, please don’t turn our pageant into a replica of another existing pageant. We are different,” sinabi niya sa social media.

Ang Miss World pageant ang una sa malalaking international beauty competitions na nagtanggal ng swimsuit competition noong 2014. Sinabi ng chair nitong si Julia Morley na layunin ng hakbang na matutukan ang “brains and personality” sa halip na pisikal na ganda lang.

Nagpahiwatig naman si Diaz na maaaring maging pinakamalaking edisyon ang 2023 Miss International pageant na may inaasahang mahigit 80 kandidata. Pinasinungalingan pa niya ang paniniwalang nakasasama para sa kandidata ang malakas na hiyawan. “Based on my convo with some of our judges, they had actually voted for certain girls [because] of the loud cheers, and they didn’t want to disappoint them,” aniya. Sinabi pa ng Pilipinong pageant official na balak nilang magtanghal ng palatuntunang dalawa’t kalahating oras lang ang haba. Tumagal nang apat na oras ang mga nagdaang patimpalak.

Ibinahagi rin niyang apat na bansa na ang opisyal na nagpahiwatig ng intensyong mag-host ng ika-62 Miss International pageant sa susunod na taon. Japan na ang host country ng pandaigdigang patimpalak para sa 46 edisyon mula noong 1968. Bumalik ang contest sa pinagmulan nitong Estados Unidos noong 1971. Limang edisyon naman ang itinanghal sa China (2004, 2006, 2009, 2010, at 2011), habang tinanggap ng Macau ang patimpalak noong 2008.

Itatanghal din sa ibang lugar ang 2023 Miss International pageant. Sa halip na sa Tokyo Dome City Hall kung saan idinaos ang patimpalak mula noong 2016, mangyayari ito sa Yoyogi Gymnasium sa Shibuya sa Okt. 26. Tatangkain ni Bb. Pilipinas Nicole Borromeo na maging ikapitong Pilipinang makasusungkit sa korona, at manahin ang titulo mula kay reigning queen Jasmin Selberg.

Pilipinas ang ikalawang pinakamatagumpay na bansa sa Miss International pageant na may anim na reyna—sina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013), at Kylie Verzosa (2016).

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Coco, Gerald, Kylie, Awra, Enchong tinilian sa 1st Summer MMFF Parade of Stars; audience dedma lang kina Angeline, Alex, Aljur

#PakGanern: Bb. Pilipinas 2022 candidates kabugan ang laban sa pasabog na swimsuit photos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending