Kris Bernal nag-struggle sa itsura ng katawan habang buntis, payo sa mga first-time mommy: 'Don't worry, you can always bounce back!' | Bandera

Kris Bernal nag-struggle sa itsura ng katawan habang buntis, payo sa mga first-time mommy: ‘Don’t worry, you can always bounce back!’

Ervin Santiago - October 26, 2023 - 07:10 AM

Kris Bernal nag-struggle sa itsura ng katawan habang buntis, payo sa mga first-time mommy: 'Don't worry, you can always bounce back!'

Kris Bernal at Baby Hailee Lucca

MATINDING struggle rin ang naranasan ng Kapuso actress na si Kris Bernal noong ipinagbubuntis pa lamang niya ang panganay na si Hailee Lucca.

Binalikan ng celebrity mom ang naging pregnancy journey niya kabilang na ang ginawa niyang mga workout para masiguro ang kanyang kalusugan pati na ng baby nila ni Perry Choi.

Sa kanyang Instagram account, nag-share ang first-time mom ng isang video compilation ng kanyang pilates workout habang ipinagdadalang-tao si Baby Hailee.

Inamin ni Kris na grabe rin ang naging struggle niya sa itsura ng kanyang katawan during her pregnancy na feeling niya ay natural lang sa isang babae kapag nagdadalang-tao.

“I still look back on bump photos and videos completely in awe of what a woman’s body can do!

Baka Bet Mo: Rica grabe ang sakripisyo matapos makunan ng 3 bases: ‘Napakahirap…every time is a new struggle’

“I was at my heaviest weight ever and I’ll be honest that there were moments during my pregnancy that I struggled [with] body image!” ang simulang pagbabahagi ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


Patuloy pa niya, “But, as days and months passed by, I genuinely adored having my bump – my baby’s first home.

“I couldn’t be more grateful for my body – to grow and carry life – its strength and sacrifice has not gone unnoticed! I can say that it’s the most beautiful I’ve ever felt!” pahayag pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Kris Bernal ibinandera ang baby girl na si Hailee Lucca sa publiko: She’s finally here

Ngayong nakaraos na siya sa panganganak sa unang baby nila ng asawang si Perry, nagbigay din si Kris ng mensahe at payo sa mga magiging mommy na rin hinggil sa mga magiging pagbabago sa kanilang katawan.

“Tell yourself: ‘My body is meant to be LIVED THROUGH, not looked at’ LIFE is happening through you in such a profound way!

“You’re growing a LIFE! Live through that miraculous, ever-changing body of yours! And don’t worry, you can always bounce back!” mensahe pa ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang ikinasal sina Kris at Perry noong September 25, 2021 sa St. Alphonsus de Liguori Church in Magallanes Village, Makati City. Isinilang naman ni Kris si Hailee nitong nagdaang August.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending