Andrea Brillantes sa tanong na anong desisyon noon ang tinatawanan na lang ngayon: 'Yung grabe, nagmahal ako nang sobra | Bandera

Andrea Brillantes sa tanong na anong desisyon noon ang tinatawanan na lang ngayon: ‘Yung grabe, nagmahal ako nang sobra

Therese Arceo |October 25,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes sa tanong na anong desisyon noon ang tinatawanan na lang ngayon: ‘Yung grabe, nagmahal ako nang sobra

Therese Arceo - October 25, 2023 - 10:03 PM

Andrea Brillantes sa tanong na anong desisyon noon ang tinatawanan na lang ngayon: 'Yung grabe, nagmahal ako nang sobra

USAP-USAPAN ang naging sagot ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ukol sa nagdaang desisyon niya na tinatawanan na lang niya ngayon.

Sa isa sa mga episodes ng “It’s Your Lucky Day” ay natanong ni Luis, isa sa mga hosts ng pansamantalang noontime show ng ABS-CBN, ang kanyang mga co-hosts kung may naging desisyon ba silang ginagawa sa kanilang buhay na sa ngayon ay kaya na niyang tawanan na lang.

Sagot ni Andrea, “‘Yung grabe, nagmahal ako nang sobra sa mga taong hindi naman deserve ‘yung pagmamahal na binigay ko.”

Pagpapatuloy pa niya, “Grabe po kasi akong magmahal… ako ‘yung tipong kahit galing taping, pagod na pagod na ako, ako pa rin magtitiklop ng damit, color-coordinate ko pa lahat. Naglilinis ako, ganiyan.”

Chika pa ni Andrea, ngayon daw ay napapatanong na lang siya sa sarili niya kung bakit ba niya nagawa ang lahat ng mga ‘yon para sa isang tao.

Bagamat walang binanggit na pangalan ang “Senior High” actress kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang pahayag ay maraming netizens ang nag-ugnay sa kanyang recent ex-boyfriend na si Ricci Rivero.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes proud maging ‘independent woman’, ibinunyag ang pagbubukod sa pamilya

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matatandaang nitong Hunyo lang nang aminin ni Ricci na hiwalay na sila ni Andrea sa pamamagitan ng isang tweet.

Matapos nito ay nag-viral naman ang pahayag ng dalaga sa vlog kasama ang Unkabogable Star na si Vice Ganda nang ikuwento niya na mayroon siyang ex-dyowa na hindi nagpapa-laundry ng isang taon.

At gaya ng dati, nadikit na naman ang pangalan ni Ricci sa pahayag ni Andrea kahit wala namang sinasabi ang huli.

Marami naman ang nag-react sa pahayag ng dalaga.

“What I love about Andrea is she’s facing basher in style yung tipong Hindi puro good publicity lang pero pati bad publicity kaya nyang harapin di gaya ng ibang artist sagana sa good publicity wala naman ganap,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “mahalin mo muna self mo kesa ang iba na di deserve.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“bata ka pa Andrea baka yang akala mo pagmamahal na sinasabi mo ay hindi pag mamahal kundi isang obsession .Experience yan para matuto ka sa susunod na relationship mo,madami ka pa ma experience hanggang sa dumating na ang totoong pagmamahal na deserved mo.Walang masama sa pag kakamali kasi jan ka matututo at magiging matured,” sey naman ng isa.

Related Chika:
Para ba kay Andrea ang hugot ng tatay ni Ricci na, ‘Importante yung maayos na ugali at pagrespeto sa minamahal mo, hindi lang pakitang-tao’?

Andrea muling nagetsing ang atensiyon ni BLACKPINK Rosé, ipinaalala ang promposal kay Ricci sabay hirit ng, ‘WE BROKE UP NOW!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending