Alden ilang beses naloko noong kainitan ng AlDub, nagbabala laban sa scammers: 'Mas OK yung marami kang alam kesa marami kang pera' | Bandera

Alden ilang beses naloko noong kainitan ng AlDub, nagbabala laban sa scammers: ‘Mas OK yung marami kang alam kesa marami kang pera’

Ervin Santiago - October 23, 2023 - 07:10 AM
Alden Richards

“MAS okay na mas marami kang alam kesa marami kang pera!” Yan ang isa sa mga natutunan ni Alden Richards sa ilang taon niya sa mundo ng showbiz.

Naibahagi ng Asia’s Multimedia Star ang ilan sa mga naging pangit na karanasan niya pagdating sa pagnenegosyo at pagpasok sa mga investments.

Inamin ng Kapuso matinee idol na ilang beses na rin siyang naloko noon kaya naman mas maingat na raw siya ngayon when it comes to business.

Kuwento ni Alden sa panayam ni Ogie Diaz na napapanood sa kanyang YouTube vlog, may mga taong nagsamantala sa kanya nang mag-invest sa isang negosyo noong 2016.

“Nasa stage ako ng buhay ko na I seize every opportunity kasi sayang kung hindi naman, kung pinalalagpas lang natin,” simulang kuwento ng “Five Breakups and a Romance” lead actor.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra naloko sa pera, savings sa bangko nilimas: Nagantso kami ng isang tao na akala namin kamag-anak

“Parang gusto ko lang matuto doon sa pagkakamali ko noon. Well, especially sa negosyo. 

“Minsan, may mga tao na sasamantalahin ka dahil meron kang i-invest pero wala kang alam. And this came from true to life experience na I don’t want to go into details,” aniya pa.

Tanong pa sa kanya ni Papa O, “May mga loses ka rin?”

“’Yung naloko po ako. Parang, hindi naman po siya parang scam, pero parang ganu’n. ‘Yun kasi ang problema, Mama Ogs, ngayon ko nare-realize, at my age now, that mas okay na mas marami kang alam kesa marami kang pera.

“Kung marami kang pera pero wala kang alam, maraming taong magti-take advantage nun. ‘Yun po ang nangyari sa akin way back 2016. During the height of AlDub and talagang buhos,” kuwento ni Alden.

Baka Bet Mo: Male singer inatake ng depresyon matapos lokohin ng dyowa, nalulong sa droga

Nagbigay din ng advice ang binata tungkol sa usapin ng investments, “Naloko ng iba’t ibang tao. Wake Up call ko ‘yun. Ngayon na natutunan ko ‘tong mga bagay na ‘to parang sabi ko sa sarili ko, ‘Paano ako napasok dito?’

“Siyempre, ‘yung mga taong nasa industriya ng negosyo lalo na sa mga investments memorize nila yan and kumbaga kung io-offer nila sa ‘yo ‘to alam nila kung paano pagandahin ‘yung offer na mapapa-oo ka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa mga nanonood po peace of advice, if it’s too good to be true, it’s not good. Wala pong ganu’n, I mean, kung magpasok ka ng P10,000 in 15 days magiging P20,000. Parang awa n’yo na po, iligtas n’yo na ‘yung sarili sa ganyan,” mariing sabi pa ng binata.

Samantala, mukhang sinuswerte nga sa takilya ang pelikula nina Alden at Julia Montes na “Five Breakups and a Romance” dahil balitang marami ang sumusugod sa sinehan ngayon para mapanood ang pinag-uusapang pelikula mula sa Myriad Entertainment, GMA Pictures at Cornerstone Studios.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending