Catherine Camilon buhay pa ilang araw matapos ideklarang 'missing person', pangako ng PNP: 'We’ll bring her home safe' | Bandera

Catherine Camilon buhay pa ilang araw matapos ideklarang ‘missing person’, pangako ng PNP: ‘We’ll bring her home safe’

Ervin Santiago - October 22, 2023 - 07:55 AM

Catherine Camilon buhay pa ilang araw matapos ideklarang 'missing person', pangako ng PNP: 'We’ll bring her home safe'

Catherine Camilon

NANGAKO ang Philippine National Police-Calabarzon sa pamilya ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon na iuuwi nila ng ligtas ang dalaga.

Patuloy pa rin ang isinasagang operasyon ng Batangas Police Provincial Office para matunton ang lugar na kinaroroonan ni Catherine at ang mga taong posibleng may kinalaman sa kanyang pagkawala.

Siniguro ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police chief, na buhay pa si Catherine matapos ihayag ng kanyang pamilya na hindi ito umuwi sa kanilang bahay noong October 12 at hindi na rin nila ito makontak.

Opisyal namang dineklarang “missing person” ng Batangas Police Provincial Office si Catherine nitong nagdaang October 19.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon pa kay PBGen. Lucas, inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na mas paigtingin pa ang operasyon sa paghahanap kay Catherine, na naging kandidata sa Miss Grand Philippines 2023, kung saan nakalaban niya ang aktres na si Herlene Budol.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Catherine Camilon humiling ng ‘privacy’ sa gitna ng paghahanap, imbestigasyon

“Ongoing pa yung investigation natin kung ano ba talaga yung nangyari dito kay Ms. Catherine, ‘no,” ani Lucas sa interview ng “Ano Sa Palagay N’yo?” nina Ali Sotto at Pat-P Daza.

“We are committing na si Catherine, we’ll bring home Catherine safe,” ang pangako pa niya sa pamilya ni Catherine.

“Unang-una, meron nang initial report, ‘no, which I cannot divulge, kung ano po yung natanggap namin na report sa investigation.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“We are very confident na itong si Miss Catherine, e, buhay pa,” aniya.

Baka Bet Mo: Miss Grand PH 2023 candidate Catherine Camilon nawawala, pamilya nanawagan: ‘Nasaan ka na? Umuwi ka na…’

Dagdag pang update ni Lucas, “Kagabi meron na silang lead kung saan yung huling napuntahan at nakita itong si Catherine aside don sa mall diyan sa Batangas.

“At itong CCTV napakalaking bagay, tulong sa imbestigasyon na ginagawa natin,” sabi pa ng PNP official.

Samantala, sa isang Facebook post ng kapatid ni Catherine na si Chin-chin Camilon, muli niyang ibinandera ang sobrang pagmamahal niya sa nawawalang beauty queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“1 week na…I miss you. I love you so much!” mensahe ni Chin-chin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending