Jimmy Santos biglang umapir sa 'E.A.T.' ng TV5, Dabarkads naging emosyonal: 'Whatever happens in this country, I still love you all, 3 times a day!' | Bandera

Jimmy Santos biglang umapir sa ‘E.A.T.’ ng TV5, Dabarkads naging emosyonal: ‘Whatever happens in this country, I still love you all, 3 times a day!’

Ervin Santiago |October 15,2023
facebook
share this

Jimmy Santos biglang umapir sa ‘E.A.T.’ ng TV5, Dabarkads naging emosyonal: ‘Whatever happens in this country, I still love you all, 3 times a day!’

Ervin Santiago - October 15, 2023 - 09:20 AM

Jimmy Santos biglang umapir sa 'E.A.T.' ng TV5, Dabarkads naging emosyonal: 'Whatever happens in this country, I still love you all, 3 times a day!'

Vic Sotto, Jimmy Santos at Joey de Leon

SINORPRESA ng veteran comedian na si Jimmy Santos ang mga dating kasamahan sa “Eat Bulaga” sa umereng episode kahapon ng “E.A.T.” sa TV5.

Talagang nagulat hindi lamang ang mga manonood, kundi pati na rin ang mga Legit Dabarkads na nasa studio ng “E.A.T.”, kabilang na sina Vic Sotto at Joey de Leon, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon at Allan K.

Ang pagbisita ni Jimmy sa noontime show ng TVJ kahapon, October 14, ay bahagi ng selebrasyon ng 77th birthday ni Joey sa programa.

Sa “Gimme 5” segment ng “E.A.T.” ipinakilala ni Wally Bayola si Jimmy bilang si Daddy Ethan, ang driver daw niya sa skit nila ng bagong Legit Dabarkads na si Atasha Muhlach.

Kitang-kita ang pagkagulat ng mga hosts ng noontime show dahil mukhang wala talaga silang idea sa pagbisita ng beteranong comedian at dating host ng “Eat Bulaga” sa “E.A.T.”

Baka Bet Mo: Jimmy Bondoc nasunugan ng studio, nawalan ng P1M worth ng music equipment

Naging emosyonal pa nga sina Paolo, Allan K, Wally, at Bossing Vic nang makita si Jimmy sa studio para personal ngang bumati kay Joey.

“Happy birthday. Alam mo naman na hindi kita makalimutan,” ang simulang pagbati ni Jimmy kay Joey sabay abot sa bitbit nitong cake.

“Nakatambay lang ako e, tapos naimbitahan akong mag-drive. Okay din,” dugtong na sabi pa ni Jimmy.

Hiningan naman siya ni Vic ng birthday message para sa nag-iisang Henyo Master. Sey ni Jimmy, “I’d like to greet you a happy, happy, happy birthday. Whatever happens in this country, I still love you all three times a day.”

Hirit pa niya, “Especially those people surrounding the vicinity, I miss you all. Thank you very much. Still, ‘Eat Bulaga’ is here to stay.”

Agad naman siyang kinorek ni Bossing Vic sa pagbanggit niya ng “Eat Bulaga”, “Mali, ‘E.A.T.’! Wala kang kupas.”

Baka Bet Mo: Jimmy Santos totoo nga bang naghihirap na kaya suma-sideline sa palengke?

Itinama naman ni Jimmy ang kanyang sinabi, “E.A.T. pala is here to stay. Thank you so much!”

Huling napanood si Jimmy Santos sa original “Eat Bulaga” noong 2021 nang maging isa siya sa mga choices sa  Christmas episode ng “Bawal Judgmental.”.

Hindi naman totally nawala sa eksena ang veteran comedian dahil napapanood pa rin siya ng mga Pinoy fans sa mga ipino-post niyang vlog sa kanyang YouTube channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karamihan sa mga video na ginagawa niya ay tungkol sa mga pinaggagagawa niya sa Canada kung saan siya naka-base ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending