Buboy sa pangnenega sa kanila nina Isko, Paulo at Betong sa Eat Bulaga: 'Masakit talaga! Kasi ang bad kaagad ng morning mo' | Bandera

Buboy sa pangnenega sa kanila nina Isko, Paulo at Betong sa Eat Bulaga: ‘Masakit talaga! Kasi ang bad kaagad ng morning mo’

Ervin Santiago |October 11,2023
facebook
share this

Buboy sa pangnenega sa kanila nina Isko, Paulo at Betong sa Eat Bulaga: ‘Masakit talaga! Kasi ang bad kaagad ng morning mo’

Ervin Santiago - October 11, 2023 - 07:15 AM

Buboy sa pangnenega sa kanila nina Isko, Paulo at Betong sa Eat Bulaga: 'Masakit talaga! Kasi ang bad kaagad ng morning mo'

Isko Moreno, Buboy Villar at Paolo Contis

SUPER na-hurt at naapektuhan talaga nang bonggang-bongga ang Kapuso comedian na si Buboy Villar sa panghuhusga sa mga bagong hosts ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.

Kung mahina-hina nga lang daw ang kanilang kalooban ay siguradong bumigay na sila dahil sa matitinding banat at batikos na inabot nila mula sa mga loyal fans ng longest-running noontime show sa Pilipinas.

Ayon kay Buboy, tao lang din naman sila na nasasaktan at naaapektuhan ng kanegahan at judgment ng mga taong sumusuporta kina Tito, Vic & Joey at iba pang Legit Dabarkads na mga original host ng “Eat Bulaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


“Actually po, nu’ng una talaga, ang totoo niyan, oo, masakit, e. Masakit talaga. Ako ‘yung taong walang pakialam pero once nakapag…unang-unang bungad sa ‘yo nega kaagad.

Baka Bet Mo: Kuya Kim hindi pwedeng maging host ng bagong ‘Eat Bulaga’, netizens ipinagtanggol sina Paolo, Betong at Buboy

“Parang ang bad kaagad ng morning mo, so nakakalungkot talaga siya,” ang diretsahang pahayag ni Buboy sa panayam ng online entertainment show na “Marites University.”

Feeling nga raw ng komedyante, parang isang taon ang lumipas sa isang linggong pagharap nila nina Paolo Contis, Isko Moreno, Betong Sumaya at iba pa nilang co-hosts sa mga hate comments ng mga loyal viewers ng “Eat Bulaga”.

Nabanggit din ni Buboy na ang talagang naapektuhan sa mga bagong host ng show ay ang co-host nilang Betong Sumaya.

Grabe raw ang lungkot at sakit na nararamdaman nito kapag nababasa ang mga negatibong comments sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


“Si Betong, siya talaga ‘yung maramdamin sa amin. Si Betong talaga, kahit sa live, nagbabasa siya (ng comments).

Baka Bet Mo: JoWaPao ng Dabarkads tatapatan ng ‘BuLoTong’ nina Buboy, Paolo at Betong sa bagong ‘Eat Bulaga’

Pero bilang isang katrabaho mo, kunwari, tayo-tayo, na alam mong naaapektuhan ka pero mas affected ito, paano mo ngayon iha-handle ‘yun?” sey ni Buboy.

Pero mas nanaig pa rin daw ang kagustuhan nilang makapagpasaya ng mga tao kaya kailangan lang na mas lakasan pa nila ang kanilang mga kalooban at huwag na lamang pansinin ang mga bashers at haters.

“Nakaka-hurt lang na parang sa kabila ng magagandang sinabi sa ‘yo, o kaya ito na lang, sa 10 ginawa mo, merong isang mali,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pang paliwanag ng Kapuso actor, “Alam natin kung paano tayo magtrabaho, alam natin na ‘yung gagawin natin dito ay hindi para palitan sila, kundi magbigay ka lang kung ano ‘yung main goal mo, host ka lang ng show, tulong at saya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending