Kilalang aktor sa pamamalagi sa kanyang manager na ang alam lang ay kumubra ng komisyon | Bandera

Kilalang aktor sa pamamalagi sa kanyang manager na ang alam lang ay kumubra ng komisyon

Reggee Bonoan |October 14,2023
facebook
share this

Kilalang aktor sa pamamalagi sa kanyang manager na ang alam lang ay kumubra ng komisyon

Reggee Bonoan - October 14, 2023 - 07:58 PM

Kilalang aktor sa pamamalagi sa kanyang manager na ang alam lang ay kumubra ng komisyon
SISING-SISI ang kilalang aktor na may ongoing teleserye ngayon dahil sa loob nang ilang taon niyang pamamalagi sa manager na pinagkatiwalaan niya pagkatapos ng pandemya ay isang project palang daw ang ibinigay sa kanya.

Nabanggit niya ito sa mga co-actors niya na nu’ng una raw ay hindi siya naniniwala sa sinasabi ng mga artistang naging alaga ng manager niya ngayon dahil ang mga dating alaga ay sila mismo ang naghahanap ng kanilang proyekto at hindi ang inaasahan nilang nangangalaga ng kanilang karera.

Sabi ng co-actor ng kilalang aktor, “nagsisisi nga, kasi iisa palang daw naging project tapos wala na. Itong serye niya hindi naman dumaan sa manager niya kundi dumiretso sa kanya kasi nga kilala niya ang producer kasi naka-work na niya dati pa. E, hayan naghahanap ng iba pang raket kasi nga need niyang kumayod para sa pamilya. Ang alam lang daw ng manager niya ay kumuha ng komisyon.”

May kilala rin kaming ibang managers na ganito at hindi naman nag-iisa ang kilalang aktor na naghihintay na lang ng komisyon mula sa mga alaga niya.

Baka Bet Mo: Kilalang aktor binigyan ng mamahaling sasakyan ng kilalang businessman, sa ibang bansa nakikipag-date para safe

May managers na sobrang sipag sap ag-alok sa mga talents niya para magka-work kaya ‘yung ibang kakilala namin ay napakaraming alaga at happy sila sa pag-aalaga sa kanila.

Dagdag pa ng co-actor ng kilalang aktor, “ang pino-problema ni (kilalang aktor) kapag nagtapos na ang serye niya, e, wala pa siyang kasunod na project. Matatagalan na naman siyang tengga. Buti na lang super tipid siya, pero hanggang kelan, e, may pamilya siyang binubuhay.”

Napapanood namin ang serye ng aktor at natutuwa kami sa kanya dahil malaki na ang improvement niya pagdating sap ag-arte kaya baka naman may makapansin sa kanya at magkaroon siya ng follow-up project pag nagtapos na ang seryeng kabilang siya.

Related Chika:
Kilalang aktor type dyowain ang gwapong male star, pero anyare nang magkainuman?

Kilalang personalidad na may karelasyong celebrity, huli sa aktong may ka-holding hands na foreigner sa ibang bansa, manloloko yarn?!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending