Rio Locsin bad trip sa mga kabataang artista na palaging nagse-cellphone sa shooting: 'Respeto lang sa kaeksena mo, ‘di ba?' | Bandera

Rio Locsin bad trip sa mga kabataang artista na palaging nagse-cellphone sa shooting: ‘Respeto lang sa kaeksena mo, ‘di ba?’

Ervin Santiago |October 12,2023
facebook
share this

Rio Locsin bad trip sa mga kabataang artista na palaging nagse-cellphone sa shooting: ‘Respeto lang sa kaeksena mo, ‘di ba?’

Ervin Santiago - October 12, 2023 - 07:34 AM

Rio Locsin bad trip sa mga kabataang artista na palaging nagse-cellphone sa shooting: 'Respeto lang sa kaeksena mo, ‘di ba?'

Rio Locsin

INIS na inis ang veteran actress na si Rio Locsin sa mga kabataang artista na nagse-cellphone kahit nasa set na sila at nagre-rehearsal.

Hindi raw kayang i-tolerate ng batikang aktres ang ganitong ugali ng mga nakakatrabahong youngstars dahil feeling niya hindi sineseryoso ng mga ito ang kanilang trabaho.

Inamin ni Rio sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda,” na nabubuwisit siya kapag ang mga kaeksena niya ay hindi mabitiwan ang kanilang mga cellphone kahit oras na ng rehearsal.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno dinepensahan ng kapatid sa mga bashers; Dawn Chang may talak tungkol sa ‘PBB’

“Naiirita o naiinis ako talaga kapag may telepono sa set. Kapag may cellphone sa set, kapag nagre-rehearse na, nagbibigay na ng instruction, ako kasi wala akong telepono sa set,” ang chika ni Rio na isa sa mga cast members ng bagong action-series ng GMA Public Affairs na “Black Rider.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rio Locsin (@msriolocsin)


Dugtong ng premyadong aktres, “Respeto rin sa kaeksena mo, ‘di ba? Parang, ‘yung isa handa tapos ikaw hindi kasi may kausap ka.

“O, nagri-ring ang telepono mo nasa bulsa kasi paano ba ‘yon? Eh ‘di sana umuwi ka muna, nakipag-usap ka,” seryosong sabi pa ng aktres.

Samantala, kung may ikinatutuwa naman si Rio sa mga nakakatrabaho niyang youngstars, yan ay yung mga kusang lumalapit at nagpapakilala sa kanya.

Baka Bet Mo: Dimples Romana inirampa ang Filipiniana dress sa Brazil: ‘Feels so good supporting and showing love for our Filipino designers’

Kuwento ng aktres, “Kapag hindi siya lumalapit sa akin para makipag-usap, hindi ako lalapit sa kanya.

“Kapag ang batang artista lumapit sa akin, ‘halika anak mag-usap tayo.’ Kasi mahirap naman na ako ang mangunguna.

“Sinabi ko sa kanila, ‘pasensya na kayo, senior na.’ Hindi ko lahat kilala ang mga batang artista hangga’t hindi ko nakakatrabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero kapag nagpakilala kayo at gusto n’yo makipag-usap sa akin, welcome na welcome kayo sa akin,” sey pa ni Rio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending