Rio Locsin nagpaka-action star sa ‘Kargo’ ng Iwant; lumaban sa sindikato ng droga | Bandera

Rio Locsin nagpaka-action star sa ‘Kargo’ ng Iwant; lumaban sa sindikato ng droga

Bandera |October 13,2019
facebook
share this

Rio Locsin nagpaka-action star sa ‘Kargo’ ng Iwant; lumaban sa sindikato ng droga

Bandera - October 13, 2019 - 01:05 AM

RIO LOCSIN

NAGPAKA-ACTION star ang award-winning veteran actress na si Rio Locsin sa bagong iWant digital series na Kargo.

Nakilala si Rio sa pagganap bilang butihing ina sa mga teleserye at pelikula, pero ngayon ay siguradong mapapanganga at mapapatulala kayo sa mga makapagil-hiningang aksyon na ipinakita niya sa Kargo.

Napanood na namin ang unang dalawang episode ng nasabing iWant series mula sa Star Creatives sa ginanap na press at celebrity screening kamakalawa ng gabi at talagang na-shock kami sa mga pinaggagawa roon ni Rio, idagdag pa ang mga nakakalokang dialogue niya na first time naming narinig sa kanya.

Sa unang dalawang episode pa lang ay makikipaghabulan, makikipagtaguan at makikipagbarilan na siya sa mga miyembro ng drug syndicate kasama ang breakout “Eerie” star na si Gillian Vicencio na gaganap na pasaway na apo niya sa kuwento.

Nagsimula nang mapanood sa iWant app nitong Biyernes ang unang Star Creatives digital series kung saan gumaganap si Rio bilang Lola Tere, isang astiging taxi driver na hinahanap ang lumayas niyang apo na si Hannah (Gillian).

Mangyayari ang hiling ni Lola Tere na muli silang magkasama ni Hannah, ngunit ang hindi niya alam ay may malagim itong kapalit: kailangan niyang tulungan ang apo na itapon ang bangkay ng karelasyon nitong si Prinz upang makaligtas mula sa kamay ng mga sindikatong tumutugis sa kanya.

Dito mag-uumpisa ang kanilang laban para sa kaligtasan mula sa mga kriminal na gagawin ang lahat para mapatay ang dalawa. Pilit naman silang tutulungan ni Reyven (Markus Patterson), ang bagong karelasyon ni Hannah, para makaiwas sa kapahamakan.

Sa kabila ng panganib, patutunayan ni Lola Tere ang kanyang pagmamahal sa apo at gagawin ang lahat upang siguraduhing ligtas ito. Ngunit mas malaking problema pa ang kanilang haharapin sa unti-unting pagsiwalat ng mga sekreto ng nakaraan na tuluyang babago sa kanilang pamilya.

Makaligtas kaya sila mula sa kapahamakan nang magkasama? O kailangang may magsakripisyo sa kanila para may mabuhay na isa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending