Cogie Domingo hindi pa handang magbalik-showbiz matapos mamatay ang tatay | Bandera

Cogie Domingo hindi pa handang magbalik-showbiz matapos mamatay ang tatay

Ervin Santiago |November 08,2022
facebook
share this

Cogie Domingo hindi pa handang magbalik-showbiz matapos mamatay ang tatay

Ervin Santiago - November 08, 2022 - 12:08 PM

Cogie Domingo hindi pa handang magbalik-showbiz matapos mamatay ang tatay

Cogie Domingo

MARAMING nanghihinayang sa dating matinee idol at magaling na aktor na si Cogie Domingo.

Matagal-tagal na rin kasing hindi napapanood sa telebisyon at pelikula ang aktor kaya naman may mga fans na nagsasabing sana’y magbalik na siya sa showbiz.

Pero kahapon, nabawasan kahit paano ang pagka-miss ng kanyang mga loyal supporters dahil muli nilang nasilayan ang aktor sa  telebisyon after so many years.

Natuwa ang mga tagahanga ni Cogie nang maging guest celebrity siya sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” nitong Lunes, November 7.

Dito, binalikan nga ng aktor ang naging mga kaganapan sa kanyang showbiz career dalawang dekada na ang nakararaan, partikular na nang gawin niya ang 2000 blockbuster movie niyang “Deathrow”.

Nakasama niya rito ang pumanaw na premyadong aktor na si Eddie Garcia na umani rin ng parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Naikuwento ni Cogie ang pagpanaw ng kanyang amang si Atty. Rod Domingo noong December, 2020 na talagang ikinalungkot niya nang todo at nakaapekto sa personal niyang buhay, base sa panayam sa kanya ng entertainment columnist na si Jojo Gabinete ng Pep.

Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa handang bumalik sa mundo ng showbiz ang aktor. Pero agad nilinaw ni Cogie sa “Eat Bulaga” na kinalimutan na niya ang pag-arte.

“Yung showbiz, hindi na-set aside. Parang nandoon pa rin lagi sa heart ko yung pag-arte.

“One day, parang gusto kong bumalik sa pag-arte. Parang feeling ko, kaya kong ibalik yung dati,” ani Cogie.

Nabanggit din ng aktor na noong nagsimula siya sa showbiz ay parang laru-laro lamang sa kanya pero unti-unti ring nagbago ang kanyang pananaw.

“You’re having fun pero hindi mo sineseryoso masyado until malaman mo na kailangan mo na pala talagang seryosohin, trabaho ito,” sabi ni Cogie.

Nakasama naman ni Cogie sa guesting niya sa “Bawal Judgmental” ang mga kasabayan niya sa showbiz na sina Jao Mapa, Gio Alvarez at Eric Fructuoso.

Base naman sa mga nabasa naming comments sa social media mula sa mga nakapanood sa guesting ni Cogie sa “Bawal Judgmental” hihintayin talaga nila ang pagbabalik niya sa showbiz.

Pero may isa lang silang payo kay Cogie, ang pagbabawas ng timbang para mas marami pa siyang role na magampanan sakaling magbalik na siya sa pag-arte.

Kim Domingo tinamaan na rin ng COVID-19; iyak nang iyak nang matanggal sa serye ni Jennylyn

Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

4 na negosyo ni Robi nagsara dahil sa pandemya pero naka-survive pa rin: Hindi naman kasi ako maluho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending