Hirit ni Jennylyn sa pagti-TikTok ni Dennis: 'Hay naku, makakabasag ka na naman sa bahay! Malikot yang asawa ko!' | Bandera

Hirit ni Jennylyn sa pagti-TikTok ni Dennis: ‘Hay naku, makakabasag ka na naman sa bahay! Malikot yang asawa ko!’

Ervin Santiago |October 10,2023
facebook
share this

Hirit ni Jennylyn sa pagti-TikTok ni Dennis: ‘Hay naku, makakabasag ka na naman sa bahay! Malikot yang asawa ko!’

Ervin Santiago - October 10, 2023 - 12:21 AM

Hirit ni Jennylyn sa pagti-TikTok ni Dennis: 'Hay naku, makakabasag ka na naman sa bahay! Malikot yang asawa ko!'

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Dylan

SUPER laugh na naman ang mga netizens sa bagong “hugot” ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa pagti-TikTok ng kanyang asawang si Dennis Trillo.

In fairness, isa sa mga celebrities na sikat na sikat ngayon bilang TikTokerist ay ang Kapuso Drama King na talaga namang nagpapasabog ng good vibes sa social media.

Sa latest TikTok entry nga ni Dennis ay napa-react na naman si Jennylyn na ikinaaliw ng kanilang mga fans and social media followers.

Ibinahagi rin ng Kapuso actor sa kanyang Facebook account ang nasabing TikTok video kung saan ginawa kasi ni Dennis ang trend na “Bakit malungkot ang beshy ko?”

Game na game na ipinakita ng aktor na keri rin niyang gawin ang nasabing challenge kung saan tumambling-tambling siya at nag-split pa.

Sandamakmak na reaksyon mula sa mga netizens ang nakuha ng viral video ni Dennis at isa nga sa mga nagkomento diyan ay ang kanyang wifey na si Jennylyn.


“Hay naku, Dennis! Makakabasag ka na naman sa bahay,” ang simulang hirit ni Jen.

Dugtong pa niyang biro sa asawa habang tawa nang tawa, “Ang likot niyan talaga. Malikot ‘yang asawa ko na ‘yan. O, ano pang bago?”

Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin mula sa mga netizens na tuwang-tuwa sa mga paandar ng mag-asawa sa socmed.

“Ang saya nila kasi matagal silang naging mag bf gf kaya kilala n nila ang isat isat.”

“Ang sweet niyo po ms jen idol ko kayo pareho.”

“Happy kasama ang malikot ma’am Jen.”

“So funny and lovely couple.”

“Love you both.”

Baka Bet Mo: Dennis ‘milyonaryo’ na rin sa TikTok: ‘Hindi ako sumasayaw at mahilig magpa-cute kaya ginagawa ko na lang ‘yung nakakatawang videos’

“Perfect for each other.”

“Happy kasama ang malikot ma’am Jen.”

Sa panayam ni Boy Abunda sa programang “Fast Talk”, inamin ni Dennis na matagal bago siya nakumbinsing gumawa ng mga TikTok video.

Mahiyain daw talaga sa tunay na buhay ang Kapuso actor na kabaligtaran naman sa mga ginagawa niyang content sa TikTok na bentang-benta sa mga netizens.

“Noong una medyo nahihiya pa rin ako. Tiningnan ko ‘yung trending, kung ano ‘yung puwede kong gayahin dahil para kang nagse-surf eh, ‘di ba?

“Kailangan makita mo ‘yung magagandang alon, magagandang waves na sasabayan mo,” pagbabahagi pa ni Dennis na napapanood gabi-gabi sa Kapuso primetime series ng GMA na “Love Before Sunrise” kasama si Bea Alonzo.

“Hindi naman ako sumasayaw saka hindi rin ako masyadong mahilig magpa-cute kaya ginagawa ko na lang ‘yung mga nakakatawang videos,” sabi pa ng aktor.

Natanong din siya ni Tito Boy kung paano at kailan niya ginagawa ang kanyang TikTok videos, “Kapag ginagawa mo ‘yung mga TikTok mo, mag-isa ka lang?”

“Mag-isa lang dahil hindi ko kaya nang may manonood. Halimbawa may tao sa kuwarto, ‘labas ka muna diyan mag-TikTok lang ako saglit,’” chika ng Drama King.

“Hindi ko kayang panoorin nila para mas maganda ‘yung magawa ko,” dugtong pa niya.

Sa ngayon, may mahigit 1 million followers na si Dennis sa kanyang TikTok account. Base sa nabasa naming reaksyon ng mga netizens, gusto nilang mapanood very soon ang collab nina Dennis at Jennylyn.

Dennis Trillo bumilib kay Jennylyn Mercado: Kaya mo lahat!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis Trillo ibinandera ang pagmamahal kay Jennylyn Mercado, super thankful sa aktres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending