Thea Tolentino umaming piloto ang dyowa, relate na relate kay Yasmien Kurdi: Ang dami ring challenges kapag non-showbiz ang boyfriend' | Bandera

Thea Tolentino umaming piloto ang dyowa, relate na relate kay Yasmien Kurdi: Ang dami ring challenges kapag non-showbiz ang boyfriend’

Ervin Santiago |October 04,2023
facebook
share this

Thea Tolentino umaming piloto ang dyowa, relate na relate kay Yasmien Kurdi: Ang dami ring challenges kapag non-showbiz ang boyfriend’

Ervin Santiago - October 04, 2023 - 07:15 AM

Thea Tolentino umaming piloto ang dyowa, relate na relate kay Yasmien Kurdi: Ang dami ring challenges kapag non-showbiz ang boyfriend'

Thea Tolentino

SA kauna-unahang pagkakataon, ibinandera at inamin ng Kapuso actress na si Thea Tolentino na “in a relationship” siya ngayon.

Isang piloto ang dyowa ni Thea at inamin niya na marami ring challenges ang kanilang hinarap noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda“, natanong ang dalaga kung single ba siya. Sagot ni Thea, “Hindi po. Non-showbiz.”

Kuwento ng 27-anyos na Kapuso star,  30 years old ang kanyang boyfriend, at nagkataon lamang ang kanilang pagtatagpo at pagkakaroon ng relasyon

“Ang daming challenges po actually kasi kapag non-showbiz, na-experience ko, hindi nila alam ‘yung environment natin.

“Sa atin kasi, ang dami nating kaibigan, mapa-bata or mas nakatatanda sa atin, iba’t ibang age nakakasalamuha natin,” pagbabahagi ng magaling na kontrabida.

“Minsan ‘yung mga ‘lakwatsa’ na sinasabi nila, actually may kasamang work because para siyang gaining connections, importante ang networking sa work natin,” aniya pa.

Sey ni Thea, talagang kinakarir niya ang pagpapaliwanag sa kanyang trabaho bilang artista upang maintindihan nito kung bakit kailangan niyang magbiyahe nang magbiyahe.

“Unti-unti ko pong ipinapaalam sa kanya na ‘Ganito ang work ko, ‘yung lakwatsa ko. Hindi talaga ‘yan lakwatsa. May lakwatsa pero may nakukuha ako after it,’” ani Thea patungkol sa kanyang dyowa.

Baka Bet Mo: Thea Astley may 2 kanta para sa First Yaya; Pauline Mendoza laban kung laban

Samantala, sobrang nakaka-relate raw siya sa buhay ng kanyang kapwa Kapuso actress na si Yasmien Kurdi dahil pilot din ang karelasyon nito, si Rey Soldevilla.

“Ang haba ng usap namin ni Ate Yas, parang two hours sa cellphone. Sabi niya ‘Naku Thea nakadestino sa Cebu. Naku Thea! Minsan uuwi ‘yan may pamilya na!’” ang tawa nang tawang chika ni Thea sa chikahan at biruan nila ni Yasmien.

“May trust naman ako sa boyfriend ko,” ang chika pa ni Thea nang mapag-usapan ang tungkol sa mga babaeng umaali-aligid sa kanyang dyowa.

Paalala niya sa BF, “Bawal ang layover na babae, bawal ‘yon!”

Never din daw niyang kinontrol at pinaghigpitan ang kanyang BF lalo na sa mga pinupuntahan nito. “Gala po ako, so kung ginanu’n ako, maiinis ako, so hahayaan ko na lang,” sabi ng aktres

“We try to practice having healthy communication, kasi communication is key talaga sa lahat,” ani Thea tungkol naman sa kung paano nila napapanatili ang solid nilang pagsasama.

Aiko nakiusap na pagbigyan siyang magbalik-teleserye: Yung kikitain ko po idadagdag ko rin sa ipangtutulong ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Thea Tolentino pangarap maging madre noon at manirahan sa kumbento: ‘Idol ko po ‘yung ninang ko!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending