Thea Astley may 2 kanta para sa First Yaya; Pauline Mendoza laban kung laban | Bandera

Thea Astley may 2 kanta para sa First Yaya; Pauline Mendoza laban kung laban

Ervin Santiago |May 02,2021
facebook
share this

Thea Astley may 2 kanta para sa First Yaya; Pauline Mendoza laban kung laban

Ervin Santiago - May 02, 2021 - 09:43 AM

HINDI dapat palampasin ang kaabang-abang at mas intense pang mga kaganapan sa GMA Afternoon Prime series na “Babawiin Ko Ang Lahat.”

Sa recent episode ng serye ay natuklasan na ni Victor (John Estrada) na planado ang pag-kidnap kina Iris (Pauline Mendoza) at Trina (Liezel Lopez) kaya ganoon na lang ang tindi ng galit nito kay Dulce (Carmina Villarroel) na kasabwat sa planong ito.

Mas titindi pa ang mga eksena dahil sinadya ni Dulce na maaksidente si Victor na naging dahilan ng pagka-comatose nito.

Kuwento ni Pauline, simula pa lang ito ng mas exciting na banggaan ni Iris kontra sa tandem ng mag-inang Dulce at Trina.

“Doon na mag-i-start ‘yung labanan ng characters nina Iris, Trina at Dulce. Doon na talaga iikot ‘yung istorya kung paano nila makukuha si Victor. I’m very excited na mapanood ng mga viewers natin yan,” sabi pa ng aktres.

Tutukan ang mga susunod na hakbang ni Iris para mabawi ang lahat nang kinuha sa kanya sa “Babawiin Ko Ang Lahat,” weekdays, pagkatapos ng “Karelasyon” sa GMA.

* * *

Si “The Clash Season 2” 1st-Runner Up Thea Astley ang boses sa likod ng dalawa sa official soundtrack ng top-rating GMA primetime series na “First Yaya”.

Sa lahat ng mga nagtatanong, si Thea ang kumanta ng mga nakaka-LSS (last song syndrome) na “Isang Tulad Mo” at “Ang Puso Kong Ito’y Sa ‘Yo.”

Kaya naman thankful at overwhelmed ang dalaga na sa kanya ipinagkatiwala ng GMA ang nasabing soundtrack na gabi-gabing napapakinggan sa number one primetime series ngayon ng Kapuso network.

“Hindi ko ma-explain kung gaano kasaya and kung gaano ka-overwhelming ‘yung feeling of gratefulness and being blessed.

“Hindi ko talaga ini-expect that there would come an opportunity like this, to sing a theme song for a very big show kaya sobrang thankful ko and saya when I recorded it.

“Both of the songs are really nice and wonderful to listen to,” ang masayang pahayag ng Kapuso singer.

Puwede nang mapakinggan ang “Isang Tulad Mo” at “Ang Puso Kong Ito’y Sa ‘Yo” sa GMA Playlist sa YouTube.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood din si Thea bilang isa sa mainstay performers ng weekend variety show na “All-Out Sundays” sa segment na “Queendom” kasama sina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, Aicelle Santos at Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending