Mikoy Morales hindi komportableng makasama si Jaclyn Jose, umikot ng isang floor makaiwas lang | Bandera

Mikoy Morales hindi komportableng makasama si Jaclyn Jose, umikot ng isang floor makaiwas lang

Therese Arceo |October 03,2023
facebook
share this

Mikoy Morales hindi komportableng makasama si Jaclyn Jose, umikot ng isang floor makaiwas lang

Therese Arceo - October 03, 2023 - 12:33 PM

Mikoy Morales hindi komportableng makasama si Jaclyn Jose, umikot ng isang floor makaiwas lang
INAMIN ng Kapuso actor na si Mikoy Morales na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

Sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, October 2, kasama ang bestfriend na si Mikee Quintos, nausisa ito kung may co-star na ba itong nakaalitan at kung mayroon man ay dapat niya itong pangalanan.

Nag-aalangan pa nga si Mikoy kung sasagutin niya ang tanong sa segment na “Talk or Dare” ngunit nagkasundo sila ni Mikee na kung sasagot siya ay sasagutin ng dalaga ang tanong kung naranasan na nitong umasa na magkakaroon ng relasyon sa isang tao.

Pag-amin niya, hindi naman sila nagkaroon ng sagutan ng aktres at hindi niya ito totally kino-consider na alitan ngunit may hindi sila pagkakaintindihan.

“I won’t consider it as alitan kasi hindi naman kami nagsagutan pero… Jaclyn Jose…Jaclyn Jose,” saad ni Mikoy.

Sundot na tanong ni Boy, “Naayos ito?”

Baka Bet Mo: 2 Kapuso actor hindi pabor sa relasyon nina Mikee Quintos at Paul Salas: ‘Pero si Lord na ‘yung nag-ayos ng problema’

“Parang hindi naman,” sagot ni Mikoy.

Natonong rin ang Cinemalaya 2023 Best actor kung hindi ba sila nagkakasalubong gayong nasa iisang network lamang sila nagtatrabaho.

Dito ay naikuwento ni Mikoy na may mga pagkakataong nagkakaksalubong sila at minsan ay nag-effort talaga siya para iwasan ang aktres.

“Nagkakasalubong… May isang time, kasama ko pa siyang [Mikee] maglakad. Parang sila, ‘Hoy, tara, bati tayo.’

“[Sabi ko] Nope… umikot ako ng buong floor,” sabi ni Mikoy.

Nang tanungin kung tungkol sa trabaho ang dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan ay sinabi nitong hindi.

“Nangyayari sa trabaho, pero hindi siya dahil sa trabaho. Isa ito sa mga… maybe, madalas mangyari, but I took personally,” sey ni Mikoy.

Dagdag pa niya, “Maybe it’s something like that which kinda scarred me. To the point na I would get anxious when I would think of stepping in set with her there.”

Habang sumasagot ay bakas pa rin sa mukha nitong hindi ito kumportable sa pagkukuwento ukol sa pangyayari.

Matatandaang noong 2017 nang magkasama sila sa Kapuso teleserye na “D’Originals”.

Related Chika:
Mikoy Morales malalim ang hugot habang nasa lock-in taping: It’s weird…I thought I was mentally prepared

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mikoy na-intimidate sa unang salang sa Bubble Gang: Iba ang epekto sa akin ni Kuya Bitoy!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending