Sakripisyo nina Nikko, Mikoy, Kira at Andrew para sa kanilang pamilya
PARA sa paggunita ng Semana Santa ngayong 2023 tinanong ng BANDERA kung ano ang biggest sacrifice na ginawa ng kilalang celebrities para sa mga mahal nila sa buhay.
Nikko Natividad
Ibinunyag ng aktor at dating hashtag member na si Nikko Natividad na isa sa malaking sakripisyo na kanyang ginawa ay ‘yung inuna niya ang kanyang karera kaysa sa kanyang pamilya.
“Biggest sacrifice na nagawa ko, pinagpalit ko ‘yung masasabi kong career versus anak ko tsaka partner ko,” sey niya.
Bagamat sinabi niya na hindi naman ito nagtagal dahil umamin din siya sa publiko na mayroon na siyang sariling pamilya.
Paliwanag niya, “Kasi siyempre noong hashtag days namin, bawal i-reveal na may anak ka na, may partner ka, kailangan single ka lalo na dito sa Pilipinas. Pinasok nila ako sa PBB. ina-eye nila akong magkaroon ng love team. Pero hindi ko kaya.”
Patuloy niya, “Kumbaga, akala nila scripted ‘yung pag-amin ko na may anak ako noon. Pero nahirapan ako, talagang na-sacrifice ko.”
Baka Bet Mo: Nikko Natividad: ‘Hindi ako naiinggit kina Ronnie at McCoy…mababaw lang ang kaligayahan ko’
Chika pa niya, “Sabi ko, ‘wala na akong pakielam, hindi man ako mabigyan ng lead, hindi ako mabigyan ng love team, ilalabas ko na ‘yung anak ko ‘nung time na ‘yun’ kasi ang hirap ng tinatago.”
“‘Yun ang masasabi kong na-sacrifice ko kasi ang daming nagsasabi na ‘dapat tinago mo. Tingnan mo si ano may billboard, tingnan mo si ano million ang kinita.’ Kapag pini-feed nila sa akin ‘yun, wala akong pagsisisi,” aniya.
Mikoy Morales
Edukasyon din ang isinaalang-alang ng aktor na si Mikoy Morales upang makapasok sa showbiz.
Alam niyang prayoridad ng kanyang mga magulang ang kanyang pag-aaral pero hindi daw niya pinagsisihan na ito’y kanyang itinigil.
“‘Yung time na na-convince ko ang parents ko na mag-stop ng school para ma-pursue ‘yung showbiz career ko,” lahad ng aktor sa amin.
Kwento niya, “Kasi I was in the middle of schooling that time, pero kailangan nila kami i-house for the reality show si I had to drop out. So big factor ‘yun na I think biggest sacrifice ‘yun e.”
“Kasi knowing them on how I was brought up, education kasi talaga priority nila. I think noong na-convince ko sila, nakakatakot for a long time na hindi ko alam kung magpa-pay off,” patuloy niya.
Aniya pa, “But now, I could say it probably did pay off. So one of the best sacrifices din talaga ‘yung ginawa ko.”
Baka Bet Mo: Mikoy na-intimidate sa unang salang sa Bubble Gang: Iba ang epekto sa akin ni Kuya Bitoy!
Kira Balinger
Ang inalay naman ng aktres na si Kira Balinger ay ang kanyang kalayaan.
“Lahat po ng ginagawa ko, hindi naman po siya sacrifice kundi dahil gusto ko talaga siya gawin for my family or kung sino man. Pero to properly answer your question talaga, I think it would be my freedom,” sey niya.
Paliwanag niya, sa murang edad ay nagtatrabaho na siya kaya hindi niya naranasan ang pagiging normal na bata.
Ngunit nilinaw naman niya na mahal niya ang kanyang trabaho kaya hindi rin niya ito pinagsisisihan.
Paliwanag niya, “‘Cause I’ve been working since I was 14 and the regular 14-year-old up until my age, they would be going to concerts, having fun, traveling, ako work po talaga. And it’s what I want to do. I enjoy working. I really love what I do.”
Baka Bet Mo: Kira Balinger dinenay na siya ang third party sa hiwalayang Kelvin Miranda at Roselle Vytiaco: ‘Hindi ako kabit!’
Andrew Muhlach
Para naman sa aktor na si Andrew Muhlach, ang masasabi niyang naging sakripisyo niya ngayong Holy Week ay ang pag-fasting na kung saan ay hindi siya kumakain ng karneng baboy tuwing Biyernes.
“Sinubukan ko lang this year ‘yung parang no pork every Friday,” sey niya.
Related Chika:
Joaquin Domagoso kinampihan ang amang si Isko, matapang ding pinaatras si Leni sa Eleksyon 2022
Yassi umamin: Marami na rin akong sacrifices na nagawa for love, sobra-sobra pa nga po!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.