Yassi umamin: Marami na rin akong sacrifices na nagawa for love, sobra-sobra pa nga po! | Bandera

Yassi umamin: Marami na rin akong sacrifices na nagawa for love, sobra-sobra pa nga po!

Ervin Santiago |November 08,2021
facebook
share this

Yassi umamin: Marami na rin akong sacrifices na nagawa for love, sobra-sobra pa nga po!

Ervin Santiago - November 08, 2021 - 11:23 AM

JC Santos at Yassi Pressman

KAHIT matagal nang umaakting sa mga pelikula at teleserye si Yassi Pressman ay aminado pa rin ang dalaga na natakot siya nang gawin ang bago niyang movie sa Viva Films, ang “More Than Blue”.

Ang “More Than Blue” ay Pinoy adaptation ng hit Korean film tungkol sa tunay na kahulugan ng pag-ibig at ang matinding sakripisyong kakambal nito.

Gagampanan dito ni Yassi ang character ni Cream habang ang leading man naman niyang si JC Santos ang gaganap bilang K.

Kuwento ni Yassi sa naganap na virtual mediacon para sa nasabing pelikula, tatlong taon din siyang nagpahinga sa paggawa ng movie. Ang huli pa niyang pelikula ay ang “Para Sa Broken Hearted.”

“I’m very excited. I’ve been waiting for this po kasi two years ago. Kung matatandaan n’yo po we teased on it two years ago. Pero dahil po sa schedule, dahil na rin po sa pandemic naurong nang naurong.

“I’m very grateful na finally nakahanap kami ng schedule na available kaming lahat. I’m very excited din po kasi dahil isa po ito sa mga pinakapaborito ko pong ginawang proyekto,” kuwento ng aktres.

Ayon pa sa dalaga, binabasa pa lang daw niya ang script ng “More Than Blue” ay naapektuhan na siya ng napakagandang kuwento nito.

“When I read the script pa lang, iyak na ako nang iyak. But I got nervous kasi Cream is very different from my character Alyana which I’ve played for many years in Ang Probinsyano.

“Cream has a very happy personality, lives day by day and she can be very spontaneous, but it can be both a curse and a blessing kasi iniiwasan niya ang problema when she should confront it and try to process it. Eh, si Alyana iba talaga yung character niya, di ba?”

“I read it once, pero nung binasa ko siya ulit, naalala ko yon kasi nando’n ako sa may poolside tapos umiiyak ako nang sobra tapos may bisita kami sa bahay. So ang ginawa ko lumubog ako sa swimming pool kasi nahihiya ako na makita nila kasi iyak ako nang iyak.

“I got nervous, kasi po siguro sa tagal ko na rin po sa Ang Probinsyano and kilalang-kilala ko na po yung karakter ni Alyanna and kaya ko na siya halos gawin nang nakapikit. Ito kasi kikilalanin ko pa lang si Cream,” lahad pa ni Yassi.

Mas naging madali rin daw para sa kanya ang mabibigat na eksena dahil napakagaling ni JC, “It’s good na si JC ang kaeksena ko kasi nalalagyan niya ng tamang kahulugan ang bawat scene. This is our first film together but we’ve worked na in Probinsyano kaya comfortable na kami with each other.”

View this post on Instagram

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Samantala, sa tanong kung ano ang biggest sacrifice na nagawa niya nang dahil pag-ibig, ito ang naging sagot ng dalaga, “Siyempre marami rin naman akong sacrifices na nagawa for love. Sobra nga po minsan naiisip ko, eh. Parang masyado yata.

“Yung sacrifice kasi yun yung time, eh, di ba? Time that you lose for your family, time that you lose for other opportunities, and lahat naman tayo gusto nating may mapuntahan yung mga sacrifices natin, na parang pang-forever na.

“Pero hindi mo rin siya maiisip na sayang kasi it brought you to a certain point in your life that if you change your mind may lessons kang matututunan. So for me yung mga sacrifices na yon is worth pa rin,” mahabang paliwanag ni Yassi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “More Than Blue” sa Vivamax simula sa Nov. 19 sa direksyon ni Nuel Naval. Ka-join din dito sina Diego Loyzaga at Ariella Arida.

Yassi ipinatatayo na ang dream house; Dimples ibinandera ang kaseksihan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending