Angeli Khang Box-Office Queen ng Vivamax; classic movie nina Tito, Vic & Joey iri-remake nina Mikoy, McCoy at Jerald | Bandera

Angeli Khang Box-Office Queen ng Vivamax; classic movie nina Tito, Vic & Joey iri-remake nina Mikoy, McCoy at Jerald

Ervin Santiago |April 27,2022
facebook
share this

Angeli Khang Box-Office Queen ng Vivamax; classic movie nina Tito, Vic & Joey iri-remake nina Mikoy, McCoy at Jerald

Ervin Santiago - April 27, 2022 - 07:47 AM

Angeli Khang, Kim Molina at Jerald Napoles

ANG bongga ng naganap na Vivamax’s “Summer to the Max” media conference kahapon na dinaluhan ng mga veteran at baguhang talents ng Viva Entertainment.

Dito, ibinandera ng President and CEO ng Viva Films na si Vincent del Rosario kung sino ang itinuturing ngayong Box-Office King & Queen ng  pinakasikat ngayong streaming site sa bansa, ang Vivamax.

Ayon kay Vincent, ang baguhan ngunit palabang sexy star na si Angeli Khang ang ikinokonsidera niyang Best Newcomer at Box-Office Queen ng Vivamax dahil sa pelikula nitong “Silip Sa Apoy” na idinirek ni Mac Alejandre.

In fairness, ang pelikulang “Silip Sa Apoy” ay nasa Top 10 ng Vivamax sa loob ng tatlong buwan kung saan nakasama ni Angeli sina Sid Lucero, Paolo Gumabao at Jela Cuenca na wala ring takot na naghubo’t hubad sa nasabing sex-drama-suspense movie.

Samantala, ang pelikula namang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” nina Jerald Napoles at Kim Molina ang nananatiling record holder sa dami ng mga nakapanood nito sa Vivamax.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)


Sa ngayon, ang Vivamax pa rin ang number one streaming platform sa Pilipinas na mayroon ng 3 million subscribers. At dahil nasa 41 territories na sa buong mundo ang Vivamax, para na ring nanood ng sine sa Pilipinas ang ating mga kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo.

Patuloy din sa pagka-hightech ang Vivamax, dahil hindi lang makakapag-stream sa Smart TV via Chromecast at Apple AirPlay, dahil maaari na rin ito g i-download sa Android TV.

Nasa Vivamax ang mga A-list stars ng Viva gaya nina Nadine Lustre sa kanyang first Vivamax Original Movie na “Greed.” Kasama rin ang Philippine Cinema’s Queen of Hearts na si Bela Padila sa unang pelikulang siya ang nagsulat, nagdirek, at nagbida sa “366.”

Kung loveteam naman ang pag-uusapan, nariyan sina MacCoy de Leon at Elisse Joson sa “Habangbuhay” at sina Sue Ramirez at Diego Loyzaga sa “How to Love Mr Heartless.”

Hindi rin magpapakabog si Vice Ganda sa kanyang bonggang debut sa Vivamax, ang “Gandara The Explorer”, ang travelogue adventure trip niya papunta sa Sagada.

Paparating na rin sa Vivamax ang remake ng isang comedy classic movie ng Tito, Vic, at Joey, ang “Working Boys,” kung saan ipakikilala ang bagong henerasyon ng mga komedyante — sina Mikoy Morales, McCoy de Leon, Andrew Muhlach at Jerald Napoles.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Ilan pa sa mga bagong titles na mapapanood sa Vivamax ay ang “Ikaw Lang Ang Mahal” (Kylie Verzosa, Zanjoe Marudo at Cara Gonzales), “Babaylan” (Jennifer Lee, Marco Gallo) “Live Scream” (Elijah Canlas, Kokoy de Santos), “Adik Sa ‘Yo (Cindy Miranda, JM de Guzman), “Seculmeyt” (Kim Molina, Jerald Napoles), “Baby Boy Baby Get” (Heaven Peralejo, Kiko Estrada), “Tondo Prince” (Jerald Napoles), “Rooftop” (Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz, Rhen Escaño, Marco Gallo, Andrew Muhlach).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasa Vivamax din ang pinakamaiinit na pelikula sa mundo ng streaming platform: “Island Of Desire” (Christine Bermas, Jela Cuenca, Sean de Guzman) “lskandalo” (Cindy Miranda, Ayanna Misola, Angela Morena, Sean de Guzman, AJ Raval), “Kaliwaan” (AJ Raval, Vince Rillon, Denise Esteban), “Doblado” (Denise Esteban, Josef Elizalde), “Putahe” (Ayanna Misola, Janelle Tee), “Pusoy” (Vince Rillon, Janelle Tee, Jela Cuenca, Angeli Khang), “Breathe Again” (Tony Labrusca, Ariella Arida, Jela Cuenca, Ivan Padila), “High On Sex” (Denise Esteban, Kat Dovey), “Kity K7” (Rose Van Ginkel, Marco Gallo), “Virgin Forest” (Angeli Khang, Sid Lucero, Kat Dovey, Vince Rillon, Rob Guinto), “Secrets” (Janele Tee, Denise Esteban), “Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili (Ayanna Misola), “Mother’s Keeper” (Angeli Khang, Jamilla Obispo, Marco Gumabao), “Scorpio Nights 3” (Christine Bermas), “Sitio Diablo” (AJ Raval), “Anna” (Kylie Verzosa), “Us X Hor” (Ayanna Misola, Angeli Khang, Diego Loyzaga), “Lampas Langit” (Christine Bermas), “Kara Krus” (Rhen Escaño), “Itago Sa Dilim” (Angeli Khang, Kylie Verzosa, Raymond Bagatsing).

Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…

‘Silip Sa Apoy’ actress Angeli Khang sinasaktan noon ng amang Koreano: Pumapasok ako sa school na may pasa sa mukha

Vice umaming nagkaproblema sa pagpapatawa: OMG! Kinakalawang yata ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending