Kim napaamin ni Vice tungkol sa closure sa dating relasyon: 'May mga bagay na kailangan nating isarado para makapagbukas ulit ng panibago' | Bandera

Kim napaamin ni Vice tungkol sa closure sa dating relasyon: ‘May mga bagay na kailangan nating isarado para makapagbukas ulit ng panibago’

Ervin Santiago |October 02,2023
facebook
share this

Kim napaamin ni Vice tungkol sa closure sa dating relasyon: ‘May mga bagay na kailangan nating isarado para makapagbukas ulit ng panibago’

Ervin Santiago - October 02, 2023 - 07:15 AM

Kim napaamin ni Vice tungkol sa closure sa dating relasyon: 'May mga bagay na kailangan nating isarado para makapagbukas ulit ng panibago'

Vice Ganda at Kim Chiu

MARAMING naka-relate sa naging usapan ng mga hosts ng “It’s Showtime” tungkol sa isyu ng “closure” sa mga naghiwalay na magdyowa.

Nagkachikahan sina Vice Ganda, Kim Chiu at Vhong Navarro sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng “It’s Showtime” sa nakaraan nilang episode.

At isa nga sa mga napagtuunan ng pansin ay ang naging past relationship ni Kim na kahit hindi pinangalanan ay mukhang si Gerald Anderson nga ang tinutukoy sa nasabing usapan.

“Alam mo maswerte ka kung ‘yung closure eh, naibibigay mo sa sarili mo kasi nasasabi mo ‘yung mga gusto mong sabihin doon sa tao,” ang panimulang komento ni Vice about closure.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Kasi may mga pagkakataon, wala na eh, hindi mo na makakausap. Kasi ‘yung iba ayaw na makipag-usap talaga.

“Yung iba ayaw nang makipagkita. May mga pagkakataon naman na kahit gustuhin mo, wala na ‘yung tao,” dugtong pa ng TV host-comedian.

“Ikaw ba lahat nakapagbigay ng closure sa ’yo?” ang baling na tanong naman ni Vice kay Kim na ikinagulat ng dalaga.

“Bakit ako?” reaksyon ng aktres. Pero sinagot din niya ito ng, “Oo naman.”

“Kinausap mo o kinausap ka?” ang sumunod na hirit na question ni Vice kay Kim.

Baka Bet Mo: Vice Ganda hindi lalayasan ang ‘Showtime’: Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

“Oo naman. Lahat naman nalalagyan ng closure,” tugon ni Kim kasabay ng pagsasabing napag-usapan nila ng kanyang ex-boyfriend na hanggang doon na lang talaga ang love story nila.

“So mapalad ka rin kasi nakausap mo pa,” comment ni Vice.

“Yes. May mga bagay na kailangan natin isarado para makapagbukas ulit tayo ng panibago,” chika ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Paano hinahandle kung hindi na nakausap?” ang sumunod na tanong ni Vice sa mga kasamahan niya sa Kapamilya noontime show.

Ang sumagot naman ay si Vhong, “Mahirap talaga ‘yun. Like sa trabaho natin. ‘Yung ex mo nakakatrabaho mo pa, mahirap kapag wala kayong closure. Paano kapag nakatrabaho kayo muli. Paano mo ihahandle ‘yon? Di ba?”

Sey naman ni Kim, “Ang mahalaga alam mo sa sarili mo na tapos na para kahit magkita man kayo, wala na. Kahit hindi ka bigyan ng closure.”

Sinang-ayunan din ito ni Vice, “‘Yun, pagtanggap. Sabagay hindi mo maaaring iasa sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon ang closure.

“Dahil may mga pagkakataon na ‘yung taong ‘yon hindi na niya maibibigay sa’yo. Hindi dahil sa ayaw niya kundi dahil wala na.

“Maaaring wala na rin ‘yung tao kaya ikaw ibigay mo sa sarili mo ‘yung closure,” dagdag na chika pa ng Phenomenal Box-Office Star.

Albie Casino walang time magkadyowa; may 4 na katangiang hinahanap sa isang babae

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iya Villania naloka sa usapan ng 2 guwardiya: Mukha siyang lalaki!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending