Iya Villania naloka sa usapan ng 2 guwardiya: Mukha siyang lalaki! | Bandera

Iya Villania naloka sa usapan ng 2 guwardiya: Mukha siyang lalaki!

Ervin Santiago - July 07, 2021 - 09:03 AM

ALIW na aliw ang mga netizens sa paandar na post ng Kapuso actress  at TV host na si Iya Villania tungkol sa naging karanasan niya sa dalawang security guard.

Narinig daw kasi ng misis ni Drew Arellano ang naging usapan ng mga nasabing guwardiya tungkol sa kanyang itsura.

Ipinost pa ni Iya sa kanyang Instagram story ang nakakalokang  experience niya pati ang naging takbo ng pag-uusap ng dalawang guard.

Kuwento ng “Mars Pa More” host, dinig na dinig daw niya ang dalawang guwardya na nag-uusap sa kanilang mga radio nang makita siya ng mga ito. Aniya, napagkamalan pala siyang lalaki!

“Kuya Guard 1 to Kuya Guard 2: Nandiyan si Iya Villania.

“Kuya Guard 2: Sino?

“Kuya Guard 1: Si Iya Villania. Mukha siyang lalaki,” ang ipinost ni Iya sa kanyang IG Story na nakasulat sa mismong litrato niya kung saan dilat na dilat pa ang kanyang mga mata na tila shocked na shocked.

Isa pang litrato ang ibinahagi ng TV host sa Instagram story with her super short hair at nilagyan ng caption ng, “Pogi ba?”

Sey ni Iya sa isang IG post noon matagal na niyang gustong subukan ang iba’t ibang hairstyle pati ang pagpapakulay ng buhok.

“If you’ve been wanting to try short hair but afraid of looking like a boy, JUST DO IT! It feels great and no matter what, you’re gonna find a way to make it work anyway! 

“So if you want to try something new that you’ve always been afraid to do, DO IT NOW! It’s the best time to!” aniya.

Samantala, fully-vaccinated na ang celebrity couple na sina Iya at Drew matapos maturukan ng second dose ng COVID-19 vaccine kamakalawa.

Ibinahagi uli nila sa publiko ang kanilang vaccine experience sa Pasay City. 

Sa IG ipinost ni Iya ang video nila ni Drew at ibinandera na kumpleto na sila sa bakuna. Aniya sa caption, “2nd dose DONE!! Yay! Thank you to the Pasay LGU for the smooth process.”

“May balak pa to keep the vial as memorabilia. Let’s go, guys! Let’s work towards getting back our REAL norm shall we?? #ResBakuna #Sinovac,” dagdag pa ng aktres na ang tinutukoy ay ang plano sana ni Drew na gawing souvenir ang vial na ginamit sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-post din si Drew ng couple photo at ipinakita ang kanilang ikalawang bakuna, “Fully vaxxed. Sending our utmost appreciation to Pasay LGU for the smooth process of our SINOVAC second dose. #resbakuna.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending