Christian hinding-hindi malilimutan ang nakakalokang eksena nila ni Dimples sa 'The Iron Heart': 'Lahat ng laway niya, pumunta sa mukha ko!' | Bandera

Christian hinding-hindi malilimutan ang nakakalokang eksena nila ni Dimples sa ‘The Iron Heart’: ‘Lahat ng laway niya, pumunta sa mukha ko!’

Ervin Santiago - October 02, 2023 - 07:23 AM

Christian hinding-hindi malilimutan ang nakakalokang eksena nila ni Dimples sa 'The Iron Heart': 'Lahat ng laway niya, pumunta sa mukha ko!'

Richard Gutierrez, Dimples Romana, Christian Vasquez kasama ang iba pang cast members ng ‘The iron Heart’

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sina Dimples Romana at Christian Vazquez na magki-click ang kanilang “loveteam” sa ABS-CBN series na “The Iron Heart.”

In fairness naman kasi, bukod sa mga maaaksyon at madramang eksena nina Richard Gutierrez, Jake Cuenca at ng iba pang cast member ng “The Iron Heart”, talagang inabangan din ng manonood ang tambalan nina Dimples at Christian.

“It’s so weird, di ba? Like Kuya and I, we’ve been very good friends since Lorenzo’s Time pa, and then Bagani. Dun mas maiksi pa ang skirt niya kesa sa skirt ko. Di ba, Kuya?” ang pahayag ni Dimples sabay baling kay Christian sa finale mediacon ng “The Iron Heart” last September 28, sa Seda Vertis North Hotel, Quezon City.

Ang tinutukoy ng aktres na “Lorenzo’s Time” ay ang pinagsamahan nila noon Kapamilya primetime series noong 2012 na pinagbidahan ni Zaijian Jaranilla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christian Vazquez (@thextianvazquez)


Super proud si Dimples na naging markado ang trabaho nila ni Christian sa “The Iron Heart”. Naibahagi rin niya ang naging usapan nila ng kanilang direktor na si Lester Pimentel Ong tungkol sa “loveteam” nila ni Christian.

“Last night I was talking to Direk Lester because they have just opened Wangfu in SM Sucat, ‘no? So, I was talking to him and I said, ‘Direk, grabe! Ang lakas pala ng SerCus, ‘no? Yung parang Selene and Orcus.

“And I think it’s very nice that we welcome love in all ages because it really happens like that naman in real life. Kagaya na lang si Kuya, hindi mo naman masabing 62 na siya, di ba? Ha! Ha-hahahaha! Kuya!” biro pa ni Dimples sabay hawak sa balikat ni Christian.

Baka Bet Mo: ‘The Iron Heart’ ni Richard Gutierrez bongga ang magiging finale, kukunan nga ba sa Italy?

Tila hiyang-hiya naman ang aktor sa mga sinabi ni Dimples sabay sabing, “Natutulog ako nang maaga pero hindi naman ako 62. Forty-six lang, 46.” Na sinagot uli ni Dimples ng, “At looking good!”

Sey ni Christian, “Ikaw na ang nagsabi niyan. Pero tama nga naman, di ba? Yun naman talaga, yung love naman, wala namang pinipiling age, e.

“Sa lahat ng edad, di ba, andun naman yung love. Lahat naman, nakaka-experience ng kilig. So, nakakatuwa. Very unexpected na may lumabas na ganyan sa ating dalawa.”

“Napakagaling naman po kasi talaga ni Christian,” papuri pa ng aktres kay Christian na sinagot niya ng, “Hindi, hindi naman yun. It takes two to tango, remember.”

Sa huling dalawang linggo ng “The Iron Heart” napakarami pang mangyayari sa kuwento kaya naman sey ni Christian marami rin siyang unforgettable memories habang ginagawa ang “The Iron Heart.”

Kabilang na riyan ang mga bonding moments nila during breakfast sa lock-in taping, kapag nagsasama-sama sila sa swimming pool.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christian Vazquez (@thextianvazquez)


“I think, ang pinaka-memorable dito is yung relationship talaga na na-build naming lahat. Mahirap isa-isahin, e. Kasi, sa sobrang dami.

“Magkaiba kami ng ideas. Ang ideologies namin, iba’t iba, pero we have so much respect for each other na hindi kami nagkakaroon ng conflict pagdating sa trabaho.

“Siguro, minsan meron, normal lang naman yan. Pero we have so much respect for each other, at yan siguro ang hindi ko makakalimutan at dadalhin ko habang buhay.

“Kasi sa next project mo, yun ang matatandaan mo, e. Yun ang dala-dala mo, yung respect talaga, e.

“Kasi kung hindi kami siguro ganyan, na wala kaming respect, baka puro gulo siguro. Kasi mahirap yung ginagawa namin. At saka ang memorable din yung isang beses, may eksena kami ni Dimples, ang lapit ko sa kanya, bigla na lang natawa siya.

“Lahat ng laway niya, pumunta sa mukha ko! Ha-hahahaha! Hindi, hindi, hindi! Joke lang! Joke lang. Hindi naman lahat. Konti lang,” ang tawa nang tawang pagbabahagi pa ni Christian.

Christian Bables: Kahit ipis ang role payag ako basta makatrabaho ko lang si Joel Lamangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Richard Gutierrez binansagang James Bond ng Pinas dahil sa ‘The Iron Heart’: ‘I can consider this as my best action project!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending