Carla napatawad na si Tom, hindi matatakot sakaling muling magkita: 'Wala na akong mararamdaman, nahanap ko na po yung aking peace' | Bandera

Carla napatawad na si Tom, hindi matatakot sakaling muling magkita: ‘Wala na akong mararamdaman, nahanap ko na po yung aking peace’

Ervin Santiago |September 27,2023
facebook
share this

Carla napatawad na si Tom, hindi matatakot sakaling muling magkita: ‘Wala na akong mararamdaman, nahanap ko na po yung aking peace’

Ervin Santiago - September 27, 2023 - 10:07 AM

Carla napatawad na si Tom, hindi matatakot sakaling muling magkita: 'Wala na akong mararamdaman, nahanap ko na po yung aking peace'

Carla Abellana

WALANG inurungang tanong ang Kapuso actress na si Carla Abellana nang muli siyang humarap sa ilang members ng entertainment media kagabi, September 27.

Ang bongga ng inihandang presscon ng All Access to Artists o Triple A Management para sa contract signing ni Carla kung saan winelkam siya nang bonggang-bongga ng mga bossing ng nasabing talent agency.

Ang Triple A rin ang namamahala sa showbiz career ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at kay Phenomenal Star Maine Mendoza.

Yes, tuluyan na ngang nagpaalam ang Kapuso actress-TV host sa pangangalaga ng talent manager na si Popoy Caritativo na siya ring humahawak sa career ng ex-husband niyang si Tom Rodriguez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


In fairness, talagang game na game na sinagot ni Carla ang mga kontrobersiyal at maiintrigang tanong ng press sa kanya, kabilang na ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Tom.

Ayon kay Carla, napatawad na raw niya si Tom at wala na siyang mabigay na dalahin sa kanyang puso na may kaugnayan sa kontrobersyal nilang paghihiwalay.

Sey ng aktres, kailangan niya raw patawarin ang dating asawa para na rin sa kanyang katahimikan. Isa raw ito sa kailangan niyang gawin para tuluyang maka-move on sa kanyang buhay.

Masasabi rin daw niya na totally naka-move on na siya sa nawasak na relasyon nila ni Tom, “Oo naman po. Definitely!

Baka Bet Mo: Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

“Nahanap ko na po yung aking peace, yung talagang nasara ko na po yung chapter na iyon ng aking buhay. Lagpas-lagpas pa po, kumbaga, sa pagmu-move on. So, masayang-masaya po.

“Definitely masaya po ako ngayon sa buhay ko. I’m happy where I am pati po sa kung sino ako today,” ang siniguro pa ni Carla.

Sa tanong kung pwede pa ba silang maging friends ni Tom, hindi raw siya magsasalita nang patapos, “Kasi yung mga hindi nga natin akalain na hindi posible, nangyayari po. Yung mga akalain nating mangyayari, hindi nangyayari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kumbaga, sa buhay po, napakarami pong kaganapan na unpredictable. So, ayoko pong kumbaga, tuldukan o maging definite sa anumang bagay. So, anything can happen. So, wala po akong gustong i-finish, i-finalize, i-set,” paliwanag ng aktres.

Napabalitang magbabalik na raw si Tom sa Pilipinas mula sa mahabang panahong pananatili sa Amerika para ipagpatuloy muli ang kanyang showbiz career.

Kaya naman natanong din sa kanya kung ready na ba siyang magkrus muli ang landas nila ni Tom lalo pa’t pareho pa rin silang nasa bakuran ng GMA 7.

“Hindi naman po maiiwasan po iyon, dahil yun nga po, same industry po kami, bilang artista, yun nga po GMA pa po, nagkataon po.

“Inevitable po yon. Of course, matagal ko na pong naisip yon. Na-prepare ko yung sarili ko. Parang wala na po. Wala na akong mararamdaman kung sakali man pong mangyari yon or kung mangyari man na po yun.

“Kapag dumating na yung araw na iyon, hindi na po. Wala na po. At least, kumbaga, kilala ko po ang sarili ko, parang ganu’n po. Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot o malulungkot, parang ganon.

“Ako naman po ay napaka-professional na tao. So, kung sakaling nasa studio po siya, o kunwari ay may show po, kung nandu’n po siya, wala pong problema. Kumbaga, trabaho lang po,” esplika pa niya.

Pero hindi naman daw siya aabot sa point na siya pa ang lalapit kay Tom para bumati sakaling magkasalubong sila, “Ayoko po! Ayoko po because ang dami ko pong inaatupag, kailangang isipin.

“Hindi naman po. I don’t see the need (unang bumati). I don’t think it’s necessary na magkaroon pa na ganong initiative, attempt, o reach out. Hindi naman po kailangan. Hindi na po manggagaling sa akin,” sey pa ng bagong talent ng Triple A.

Matatandaang ikinasal sina Carla at Tom noong October, 2021, makalipas ang kanilang seven-year relationship. Pero nagkahiwalay din tatlong buwan matapos ang kanilang wedding.

Carla nasasaktan pa rin sa paghihiwalay nila ni Tom: Hindi naman to ‘yung tipong nanakawan ka lang ng gamit, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carla sa nalalapit na kasal nila ni Tom: May mga times na nakakatakot, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending