Rudy Fernandez tinupad ang pangako kay Lorna Tolentino: ‘Noong 7 years old ako sabi niya pakakasalan daw niya ako’
TINUPAD ng yumaong action star na si Rudy Fernandez ang binitiwang pangako noong 7 years old pa lang ang kanyang asawang si Lorna Tolentino.
Pagbabahagi ni Lorna, bago pa man daw sila naging magkarelasyon ni Daboy, nakita na raw siya ng aktor noong bata pa siya at du’n pa lang ay parang nakita na nito ang kanilang tadhana.
Sa panayam ng programang Korina Interviews sa NET 25 kay LT, na ipinalabas nitong nagdaang Linggo, September 24, naikuwento nga ng Grand Slam actress ang tungkol dito.
Natanong kasi ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez ang premyadong aktres kung ano raw ba ang naging joke ni Rudy noong pitong taong gulang pa lamang siya.
Ngunit, napatunayan ni LT na hindi lang biro ang binitawang pahayag ni Rudy sa kanya dahil tinupad nga nito ang kanyang pangako.
View this post on Instagram
“Actually ang sinabi niya sa akin, tinupad daw niya ‘yung pangako niya noong pinakasalan niya ako,” sey ni Lorna.
“Ano ‘yung pangakong ‘yun?” sundot na tanong ni Korina.
Tugon ni LT, “Ang pangakong pakakasalan niya nga ako noong makita niya ako noong seven years old ako.”
Baka Bet Mo: Birthday wish ni Bianca Gonzalez tinupad ni JC Intal
Nabanggit din ng award-winning actress na napapanood ngayon sa Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin, ang mga bagay na natutunan niya kay Rudy noong nabubuhay pa ito.
Kasama na riyan ang pakikisama at respeto sa mga katrabaho at kung paano pahalagahan at mahalin ang kanyang showbiz career.
Sumakabilang-buhay si Daboy noong June 7, 2008 matapos makipaglaban sa periampullary cancer. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Renz Fernandez at Rafael Fernandez.
* * *
Inilalarawan ng singer-songwriter na si Jace Roque ang simula ng espesyal na ugnayan ng dalawang tao bago pa sila dumating sa pagkakaroon ng commitment sa kantang “Casual,” ang una niyang single mula sa Star Music pagkatapos niyang pumirma sa nasabing ABS-CBN record label.
“It is light, fun, and sexy, like how the first couple of months of a relationship usually is,” ani Jace.
“This is also a love manifestation track, encouraging people to stop playing mind games and just get on with it. Admit what you are feeling, don’t hold back and allow it to blossom,” dagdag pa ng Awit Awards 2023 Best Dance/Electronic Recording nominee para sa kanta niyang “Back to the Beginning.”
Siya mismo ang sumulat at nagprodyus ng dance-pop song na “Casual” na may tunog Latin at Reggaeton.
View this post on Instagram
“My family is of Spanish descent and my grandparents and their cousins are always reminding us to be proud of our heritage. This is my way of honoring those roots while staying true to who I am as an artist,” kwento niya.
Samantala, walang hanggang pag-ibig naman ang sinisimbolo ng cover art ng kanta ayon kay Jace.
Sabi ng electro-pop artist, “In the single art, you can see a Celtic Love Knot in the background, a symbol that is also tattooed on my hip. It has two interlocking hearts that symbolizes the love between two people and the continuous line represents eternal love.”
Isa ring commercial model at aktor si Jace na naging bahagi ng 2017 film na “Across the Crescent Moon.” Ilan naman sa mga nailabas na niyang awitin ang “Sober,” “Day and Night,” at “Trust.”
Magiging bahagi ng kanyang ilalabas na album ang awitin niyang “Casual” na napapakinggan ng ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.