Heart Evangelista rampa kung rampa sa Milan Fashion Week; pagbisita sa The House of Fornasetti trending | Bandera

Heart Evangelista rampa kung rampa sa Milan Fashion Week; pagbisita sa The House of Fornasetti trending

Ervin Santiago |September 27,2023
facebook
share this

Heart Evangelista rampa kung rampa sa Milan Fashion Week; pagbisita sa The House of Fornasetti trending

Ervin Santiago - September 27, 2023 - 07:11 AM

Heart Evangelista rampa kung rampa sa Milan Fashion Week; pagbisita sa The House of Fornasetti trending

Heart Evangelista

RUMARAMPA ngayon sa Italy ang Global Fashion icon na si Heart Evangelista para sa Milan Fashion Week na nagsimula last Wednesday, September 20.

Bukod sa pagdalo sa iba’t ibang fashion shows, busy rin si Heart bilang Fashion Influencer sa pagsusuot ng mga luxury designer dress, shoes and bags mula sa mga premyadong Italian Fashion Houses tulad ng Roberto Cavalli, Alberta Ferretti, Moschino, Fendi, Vivetta, Versace, Missino, at Bally.

Kabilang din ang iba’t ibang global luxury brands na Tods, Philosophy, at ang mga nabanggit nya sa kanyang mga posts ang mga brands na Onitsuka at Maxmara.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Ngunit may pasabog si Heart na talaga namang nag-trending sa social media. Ginulat kasi ng Kapuso actress ang kanyang mga fans at followers nang mag-post ito ng kanyang pagbisita sa The House of Fornasetti (Casa Fornasetti) sa Milan.

At hindi lang yan. Personal na sinalubong si Heart ng kasalukuyang tagapamuno ng ultra high-end multi-million dollar art Italian company—si Signore Barnaba Fornasetti, ang anak ni Piero na siyang nagtayo ng art house noong 1940.

“Here’s a magical place where imagination meets design in Milan—Casa Fornasetti,” saad ni Heart sa kanyang post sa Instagram.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista ‘inisnab’ sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week: ‘Ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!’

“Opulence gave me the opportunity to visit the heart of the @fornasetti archive and immerse myself into an alluring world full of art and décor,” dagdag pa nito.

Matatandaang kinuha ang misis ni Sen. Chiz Escudero bilang brand ambassador ng Opulence Design Concept noong ito at inilunsad kamakailan sa Manila.

Sila lang naman ang official seller ng mga mararangyang brands katulad ng Versace Home at Fornasetti para sa mga gamit pambahay, kasama na ang mga plato, tasa, cubiertos o silverware at iba pang gamit sa kusina.

Walang binanggit si Heart kung ano ang proyekto niya with Fornasetti pero sure na raw ang collaboration nito sa pamosong Italian brand. Ayaw pa niya itong ibandera para sa mas bonggang sorpresa.

“My journey with Opulence and Fornasetti has just started. Stay tuned for more details soon,” ani Heart sa kanyang post.

Bago pa man ang latest collaboration na ito ni Heart sa mundo ng international fashion, personal na niyang gamit sa bahay nila ni Sen. Chiz ang mga dining sets ng Fornasetti (bukod sa Hermes at iba pa).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Kaya naman siguro natuwa ang Casa Fornasetti nang malaman nilang tagahanga na noon pa si Heart ng kanilang mga produkto.

Wala nang mas magiging pinaka-effective na endorser for their products in the Philippine market (and even in other countries), di ba?

Umani ng mga papuri mula sa kanyang mga tagahanga ang nasabing Instagram post ni Heart.

“World class!!! Global Beauty, Fashion and Style Icon Heart Evangelista @iamhearte xoxo,” komento ng isang netizen na may handler @totingcutie.

Binansagan naman si Heart na “Fashion Supernova” ng may hawak ng page na @fashioniconheartevangelista.

Abangan natin sa mga susunod na araw ang announcement ni Heart kung ano ang naghihintay na sorpresa mula sa kanya at sa Casa Fornasetti. Ano nga kaya ang kanilang collab?

Heart: Yung rampa ka nang rampa dahil problemado kang umuwi kasi na-max mo na card mo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Regine bigong magaya ang eksena ni Claudine sa ‘Milan’; Piolo pinatunayan ang loyalty kay Rhea Tan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending